Kathryn Bernardo hindi aalis sa poder ng ABS-CBN

Kathryn Bernardo hindi aalis sa poder ng ABS-CBN, sey ni Mommy Min

Therese Arceo |December 13,2023
facebook
share this

Kathryn Bernardo hindi aalis sa poder ng ABS-CBN, sey ni Mommy Min

Therese Arceo - December 13, 2023 - 03:26 PM

Kathryn Bernardo hindi aalis sa poder ng ABS-CBN, sey ni Mommy Min

Kathryn Bernardo at Mommy Min

PINABULAANAN ng ina ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min ang chikang kumakalat sa umano’y paglipat ng anak sa ibang network.

Base sa mensahe ipinadala ni Mommy Min sa ABS-CBN News, wala raw itong katotohanan.

“Noooooo,” saad ng ina ni Kathryn.

Dagdag pa niya, “Hindi siya aalis ng Kapamilya network!”

Matatandaang lumabas ang mga bulung-bulungan ukol sa umano’y paglipat ni Kathryn nang ianunsyo niyang hiwalay na sila ni Daniel Padilla after 11 years of being together.

May chika ring hindi na raw siya pipirma sa Star Magic na siyang talent management arm ng ABS-CBN at lilipat na sa pangangalaga ng Crown Artists Management.

Baka Bet Mo: Leni Robredo bet maging Kathryn Bernardo for a day, bakit kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang Crown Artists Management ay pagmamay-ari ng mag-asawang sina Maja Salvador at Rambo Nuñez na siyang malapit na kaibigan rin ni Kathryn.

Matatandaang ang kanyang kaibigang si Miles Ocampo ay nasa pangangalaga rin ng Crown Artists Agency.

Maging sa showbiz vlog na “Showbiz Now Na” ng kolumnistang si Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez ay napag-usapan nila ang balitang nakarating sa kanila na nakikipag-usap raw si Kathryn sa talent management ni Maja.

Samantala, mukhang makakahinga na ng maluwag ang mga fans ng A-lister actress dahil patuloy nilang makikita ang iniidolo sa Kapamilya network.

Bukod pa rito, excited na rin ang mga fans sa upcoming movie ni Kathryn na pinamagatang “Elena 1944”, kung saan gaganap siya bilang isang comfort woman noong panahon ng Hapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang ang huli niyang pelikulang “A Very Good Girl” kung saang kasama niya ang Golden Globe Award Nominee na si Dolly De Leon ay talagang kumita at tinangkilik ng madlang pipol sa mga sinehan.

Wala pa namang balita kung magbabalik teleserye si Kathryn. Ang huli niyang pinagbidahang teleserye ay ang “2 Good 2 Be True” kung saan kasama niya ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending