Kathryn Bernardo sa kanyang ina: The best support system…
MATAPOS ang breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nagpaabot ng lubos na pasasalamat ang aktres sa kanyang ina na si Mommy Min.
Sa isang Instagram post, ibinandera ng award-winning actress ang kanyang appreciation message kalakip ang picture nila together.
Inilarawan ni Kathryn ang kanyang ina bilang “best support system” sa mga pagsubok na kanyang hinaharap sa showbiz industry.
“Blessed to have had the best support system as I navigated the challenges of this industry and career path I chose,” sey niya sa IG.
“Thank you mama for being my number one supporter since the beginning – from accompanying me to auditions, to encouraging me as I experienced rejections, and then to finally fulfilling our dreams together,” mensahe pa niya kay Mommy Min.
Baka Bet Mo: Aktres iwas-iskandalo kaya binura ang IG account, baka itigil ang suporta ng dyowang aktor
View this post on Instagram
Maraming fans at kapwa-celebrities ang humanga sa matinding bond ng mag-ina.
Ilan sa mga nagkomento ay ang batikang singer na si Vina Morales at dating beauty queen na si Lara Quigaman.
Narito ang ilan pa sa mga nabasa namin sa post:
“Your mother-daughter relationship is like no other- a bond that just keeps getting stronger! [Red heart emoji]”
“A mother-daughter duo who look like sisters! Such a youthful vibe [red heart emojis]”
“Beautiful. Love you both [red heart emojis]”
Magugunitang noong November 30 nang kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay makalipas ang 11 years.
Kabilang sa mga nagbigay ng suporta at pagmamahal sa dalawa ay ang kanilang ina na sina Mommy Min at TV host na si Karla Estrada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.