Pamilya Yulo hindi kumpleto ngayong Pasko, Carlos super dedma pa rin!?
MARAMI ang nag-abang kung magkakaayos at muling magkakasama ngayong Pasko ang pamilya Yulo at ang Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
May mga nabasa kaming post sa social media mula sa ilang netizens na nagsabing ipinagdarasal nila na sana’y magpakita na si Carlos sa kanyang mga magulang at kapatid ngayong Christmas Day.
Sigurado raw kasing mas magiging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang nila ng Kapaskuhan kapag umuwi na si Caloy sa kanyang dating tahanan.
Ngunit nabigo nga ang mga umaasang magkakaroon ng bonggang reunion si Caloy sa mga magulang na sina Angelica Yulo at Mark Andrew Yulo pati na rin sa kanyang mga kapatid.
Nag-post si Angelica sa kanyang Facebook page ng kanilang family photo ngayong araw na may caption na, “Merry Christmas from our family to yours (red heart emojis). #TEAMYULO!”
Baka Bet Mo: #Pasko2024: Celebrities ibinandera ang taos-pusong Christmas greetings
Wala pa rin si Carlos sa litrato na ang ibig sabihin ay hindi pa rin nila nakasama ang atleta sa araw ng Pasko. Ang paniniwala ng mga netizens, until now ay wala pa ring ginagawang paraan si Carlos para tuluyan nang matuldukan ang issue sa kanila ng mga magulang.
Pero may mga nagkomento naman na posibleng tinawagan at nakipag-usap na si Carlos sa kanyang ama’t ina bago mag-Pasko at hindi na lamang nila ito isinapubliko.
Ngunit sey naman ng ilang netizens, parang imposible pa itong mangyari dahil nandiyan pa rin daw ang dyowa ng binata na si Chloe San Jose.
Narito ang ilang comments na nabasa namin sa FB post ni Angelica.
“Enjoy mommy Angelica Poquiz Yulo and merry Christmas too.”
“Mangaroling daw po mga kids ko mommy Angge…from our family to yours.”
“Merry Christmas Yulo family. Sa bagong buhok ni Eldrew kamukha na nya si Caloy.”
“Merry Christmas and Happy new year, I wish you all the best Good health to all of you, and more blessings to come. God bless.”
“Mag reconcile na Sana sila ng panganay nila.. I pray na dadating ang time na yan na hindi pa huli.”
“Lumipas n ang bagyo sa buhay, treated n ni Lord ang pains, be thankful to God s lhat n pangyayari sa buhay. Everyday may aral ang Dios sa atin, trials mn ito o blessings ang mpasa atin.God bless!!!”
“Merry Christmas mam angge, alam kopo bilng Ina ngumingitink pero sa loob ng puso mo Nalulungkot ka dahil Wala Ang isa mong anak, Pray lng po tyu lagi may awa at habag Ang DIYOS, kusa cyng uuwi sa inyo.”
“MERRY CHRISTMAS PO NANAY ANGIE, TATAY MARK ANDREW, KARL ELDREW, ELAIZA AND THE WHOLE FAMILY YULO KASAMA NA RIN YUNG ANAK NYONG SI CALOY. I KNOW FOR SURE MAHAL NA MAHAL NYO PA RIN YUNG ANAK NYONG YUN. MAY THE GOOD GOD IN HEAVEN BLESS US ALL.”
“Caloy ito yong hinding hndi mo mararanasan na saya kahit gano pa kadami ang pera mo. Money can buy happiness.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.