Celebs na nag-celebrate ng 'First Christmas' bilang mag-asawa

Pinoy celebs na nag-celebrate ng ‘First Christmas’ bilang mag-asawa

Ervin Santiago |December 27,2023
facebook
share this

Pinoy celebs na nag-celebrate ng ‘First Christmas’ bilang mag-asawa

Ervin Santiago - December 27, 2023 - 07:27 AM

Pinoy celebs na nag-celebrate ng 'First Christmas' bilang mag-asawa

Maja Salvador, Rambo Nunez, Arjo Atayde, Maine Mendoza, Maxine Medina, Timmy Llana, Glaze de Castro at David Raney

FEELING blessed and thankful ang mga celebrity couples na nag-celebrate ng kanilang first Christmas bilang mag-asawa nitong nagdaang December 25.

Kabilang sa mga nag-flex ng kanilang  unang Pasko together sa social media ay sina Maja Salvador at Rambo Nuñez at sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na magkasunod nagpakasal this year.

Narito ang listahan ng mga kilalang celebrity na masayang nagdiwang ng kanilang first Christmas kasama ang kanilang mga hubby and wifey.

MAJA SALVADOR AT RAMBO NUÑEZ

Ikinasal sina Maja at Rambo noong July, 2023 sa Bali, Indonesia at makalipas nga ang ilang buwan ay ibinandera nila na mas magiging masaya ang kanilang first Christmas bilang mag-asawa dahil magkakaroon na sila agad ng baby.

“What’s better than family for Christmas? A growing family! Merry Christmas everyone!” sey ni Rambo.

Hirit naman ni Maja, “The best Christmas present we could ever asked for.”

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

Nagpakasal sina Maine at Arjo sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel noong July 28, 2023.

“Merry Christmas from us!” ang maikling caption ni Maine sa ibinahagi niyang selfie photo nila ni Arjo sa Instagram na kuha sa first Christmas celebration nila together as married couple.

MAXINE MEDINA AT TIMMY LLANA

October 3, 2023 ikinasal ang aktres at beauty queen na si Maxine sa kanyang non-showbiz partner na si Timmy Llana sa Immaculate Heart of Mary sa Antipolo. Makalipas ang isang linggo muli silang nagpakasal sa isang beach sa Palawan.

Baka Bet Mo: Angel Locsin, Neil Arce nagpaabot ng Christmas greeting sa madlang pipol

“First Christmas as Mr. & Mrs., unwrapping love, joy, and a lifetime of shared holidays. Grateful for his promise of forever, sealed with an extra band of love. Here’s to our forever Merry and Bright!” ang caption ni Maxine sa kanilang Christmas photo.

JANEENA CHAN AT MORGAN SAY

Nito lamang nagdaang December 2 nagpalitan ng “I do” ang Kapuso host na si Janeena Chan at ang fiancé niyang si Morgan Say sa pamamagitan ng isang Catholic ceremony sa Santuario de San Jose sa Mandaluyong.

At para mas maging exciting ang pagse-celebrate nila ng kanilang first Christmas as bride and groom, naisipan nilang magdaos ng Christmas-themed wedding.

“And just like that…it’s our first Christmas together as husband and wife. From our family to yours, Merry Christmas everyone!”

“Perks of having a Christmas themed prenup shoot…no need to do another Christmas family card shoot,” ani Jeena sa kanyang IG post.

GLAIZA DE CASTRO AT DAVID RANEY 

Naganap ang unang pag-iisang dibdib nina Glaiza at David sa United Kingdom noong October, 2021. Nagpakasal sila uli sa Botolan, Zambales last January, 2023.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Ion Perez ‘nagpakasal’ na sa Las Vegas, may pangako para sa isa’t isa

Hindi man ito ang first Christmas na magkasama ang mag-asawa pero ito ang unang pagkakataon na naranasan ni David ang Paskong Pinoy.

Makikita ang mag-asawa na nag-eenjoy sa pagsali sa mga parlor games kasama ang pamilya ng aktres.

ALODIA GOSIENGFIAO AT CHRISTOPHER QUIMBO

Valentine’s Day, 2023 nagpakasal ang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa kanyang partner na si Christopher Quimbo sa Marriott Grand Ballroom, Pasay City.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Alodia ang family picture nila kasama ang husband na si Christopher na siyang president at general manager ng Calabria Company Limited, ang gumagawa ng Novellino wine.

Sey ni Alodia sa kanyang IG post, “First time hosting Noche Buena as a married couple. Merry Christmas!”

PIA WURTZBACH AT JEREMY JAUNCEY

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pasikretong nagpakasal sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey sa Seychelles noong March 24. May 5, 2023 lamang nila ibinandera sa buong mundo ang kanilang intimate wedding.

Sa ipinost ni Jeremy sa Instagram, nakasama nila ng kanyang wifey ang kanyang pamilya sa Rusacks St. Andrews sa United Kingdom. Sey niya sa caption, “Family Time.”

Nag-post din si Pia sa IG ng Christmas photo nila ni Jeremy bago ang mismong araw ng Pasko na may mensaheng, “Ti’s the season to be with family.”

LJ REYES AT PHILIP EVANGELISTA 

Naganap ang intimate wedding nina LJ at Philip sa The Bevin House, New York City noong October 7. Tanging pamilya, malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang ang imbitado sa kanilang kasal.

Masayang nagdiwang ng Pasko ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak base na rin sa mga ibinahaging pictures ni LJ sa social media.

Ang caption ng Kapuso actress sa mga Christmas photos nila ni Philip, “I can’t ask for more in this lifetime. Merry Christmas everyone!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending