Vice Ganda, Ion Perez 'nagpakasal' na sa Las Vegas, may pangako para sa isa't isa | Bandera

Vice Ganda, Ion Perez ‘nagpakasal’ na sa Las Vegas, may pangako para sa isa’t isa

Ervin Santiago |February 13,2022
facebook
share this

Vice Ganda, Ion Perez ‘nagpakasal’ na sa Las Vegas, may pangako para sa isa’t isa

Ervin Santiago - February 13, 2022 - 08:55 PM

Vice Ganda at Ion Perez

“NAGPAKASAL” na ang celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez sa Las Vegas, USA last year.

Ibinandera ng mag-asawa sa pamamagitan ng isang YouTube vlog ang kanilang “wedding commitment ceremony” na naganap noong Oct. 19, 2021, isang araw bago mag-Valentine’s Day.

Makikita sa nasabing video sina Vice at Ion na parehong nakasuot ng puting damit habang may hawak na boquet of flowers ang TV host  comedian. Nagpalitan ng “I do” ang dalawa sa Little Vegas Chapel.

“It’s about time to share with you what really happened in Las Vegas last October 19, 2021,” ang simulang pahayag ng Kapamilya couple.

“Nandito ako na buong-buo yung loob ko na makasama ka. Wala akong masabi kundi mahal na mahal kita, Tuy,” ang bahagi ng mensahe ni Ion para kay Vice.

“Noy, mahal na mahal din kita. Ang saya-saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon at kahapon. At makakasama ko pa rin bukas at sa susunod pang araw.

“I promise na mag-iipon pa ako ng maraming-maraming pagmamahal sa puso ko. ‘Yun ang pinagdadasal ko na sa mga susunod na araw, ikaw pa rin ‘yung kasama ko at ako pa rin ‘yung kasama mo,”  sagot naman ni Vice sa kanyang asawa.


Pagpapatuloy pa ng Phenomenal Box-office Star, “Sa lahat ng gagawin ko sa buhay ko, isa ka sa magiging inspirasyon ko. You will be one of the best reasons for all of my achievements.

“And I promise, na isa ka sa magiging dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay ulit bukas at sa mga susunod na araw,” aniya pa.

Sa bandang huli ng video, ipinakita rin ng mag-asawa ang kanilang wedding ring, ang pirmadong certificate of commitment, at iba pang kaganapan sa nasabing “kasalan.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang wedding nina Vice at Ion ay tinatawag na “commitment ceremony” kung saan ipinapahiwatig at ipinagsisigawan ng mag-partner sa buong mundo ang kanilang pagmamahalan “in a union that is similar to marriage.” Pero wala umano itong “legal status.”

Vice dinenay na nagpakasal na sila ni Ion, hindi pa rin pinapatanggal si ‘junjun’

Yam nagpakasal na kay Miguel CuUnjieng sa New York; sa halip na bulaklak, alagang aso ang bitbit

Albert umaming gusto nang magretiro sa showbiz; Faith sobrang na-pressure sa Las Hermanas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending