Vice Ganda: Ang kalaban ng edukasyon ay hindi kamangmangan…

Vice Ganda
SUMANG-AYON kay Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ang maraming manonood at netizens sa naging pahayag niya tungkol sa edukasyon sa Pilipinas.
Agree sila sa sinabi ng TV host-comedian na ang tunay raw na kalaban ng edukasyon ngayon ay ang patuloy na paglaganap na fake news sa buong mundo.
Sa isang episode ng “It’s Showtime”, habang ini-interview ang isang contestant sa “TNT Grand Resbak,” nabanggit ni Vice na hindi kamangmangan ang tunay na kalaban ng edukasyon.
Ito’y ang paniniwalang alam mo na ang totoo, pero ang totoo, hindi mo pa rin talaga alam.
“Ang kalaban daw ng edukasyon ay hindi naman kamangmangan. Ang kalaban ng edukasyon ay yung paniniwala mo na alam mo, pero ang totoo, hindi mo alam,” pahayag ni Vice Ganda.
Patuloy pa niya, “Maraming tao ngayon na akala nila alam nila. Akala nila kapangyarihan nila ‘yon, eh hindi naman tama ‘yong kanilang alam…
“Hindi rin sapat na mayroon kang edukasyon, tama ba ang edukasyon mo? Nilalabanan natin ang fake news kasi iyan talaga ang kalaban ng edukasyon.
“‘Yung fake news kasi, pinaniniwala ‘yong mga tao na totoo ‘yon, pero hindi,” esplika pa niya.
View this post on Instagram
Ilang beses nang nabiktima si Vice ng fake news, kabilang na riyan ang mga oekeng quote cards na ipinakakalat sa social.
Sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, sinabi ng TV host na may mga nagpapanggap na Vice Ganda gamit ang mga luma niyang video at nanghihingi ng kung anu-ano.
“May mga gumagamit ng lumang live videos ko at nagpapanggap na ako para makapang-scam! HUWAG PO KAYONG PALOKO!” pahayag ni Vice.
Paglilinaw pa niya, “Tanging verified accounts ko lamang po ang opisyal at tunay na ginagamit ko.
“Kung may kahina-hinalang activity mula sa non-verified accounts na ginagamit ang aking pangalan, i-report agad! Mag-ingat at maging mapanuri!” paalala pa ni Vice Ganda sa publiko.
Kung matatandaan, may isang quote card na bumandera sa social media kung saan mababasa ang umano’y pahayag ni Vice kung saan pinuri niya ang magagandang idinulot ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas.
View this post on Instagram
Ang mababasa sa nasabing quote card, “Ayaw kong magpakahipokrito ha, aminin natin nung time ni FPRRD, karamihan ng adik nagbagong buhay, karamihan sa mga kriminal nag uu nahang sumuko dahil sa takot kay Duterte.
“Confident kayong lumabas sa gabi dahil alam niyong yung mga kriminal at masasamang loob nabawasan na.
“Kung hindi si Duterte ang namuno ng pandemic, lahat tayo patay. Lahat ng pondo ng gobyerno ginamit ni Duterte maitawid lang tayo sa pandemic.”
Sa pamamagitan ng kanyang X at Facebook account, mariin nga ning pinabulaanan na siya ang nagsabi ng nakasulat sa quote card.
“I never stated this. Pls report,” ang sabi ni Vice sa kanyang X page kalakip ang nasabing pekeng quote card.
Ni-repost din niya ito sa FB at nilagyan ng caption na, “FAKE NEWS!
“Huwag paniwalaan ang kumakalat na pahayag na ito! Wala po akong inilabas o sinabi na ganitong statement.
“Maging mapanuri at huwag basta maniwala sa impormasyong walang malinaw o opisyal na pinagmulan. Please report!” sabi ni Vice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.