Sylvia proud mom sa SODA ni Arjo: Mas lalo siyang naging selfless

Sylvia Sanchez proud mom sa SODA ni Arjo: Mas lalo siyang naging selfless

Ervin Santiago - April 07, 2025 - 07:00 AM
Sylvia Sanchez proud mom sa SODA ni Arjo: Mas lalo siyang naging selfless

PROUD mom ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa lahat ng bonggang achievements ng kanyang anak na si Congressman Arjo Atayde.

Bukod sa mga pagkilala at parangal na natatanggap nito bilang aktor at producer, mas nararamdaman niya ang kaligayahan para sa anak dahil sa mga nagawa nito bilang public servant.

Ayon kay Ibyang, naiintindihan niya ang hugot ni Arjo nang magin emotional ito sa kanyang unang SODA o State of the District Address na ginanap kamakailan  sa Skydome, SM North EDSA, Quezon City.

Plano na raw talaga ni Arjo na mag-report sa kanyang mga constituents tungkol sa mga nagawa niyang proyekto  bago matapos ang termino niya bilang representative ng District 1 ng Quezon City.

“Alam n’yo naman si Arjo, tahimik lang siya, tumutulong, pero siya ang gumagalaw. Akala ng lahat, wala siyang ginagawa. Nakukuwestiyon siya.

“Siya yung taga-showbiz na hindi (nagpapa-media ng mga nagagawa). Siya yung galing sa showbiz na hindi nagpapa-showbiz, alam mo yun?” sabi ni Sylvia sa isang panayam.


Sabi pa ng premyadong aktres, ramdam niya ang pag-iyak ni Arjo sa SODA nito, dahil nakita ng aktor at kongresista kung gaano siya kamahal ng kanyang mga kababayan sa QC.

“Overwhelmed siya, e, ang daming taong nandu’n. Alam mo yun? Saka matagal na niyang balak mag-report bago matapos ang term niya,” aniya pa.

In fairness, si Arjo na raw ang nagsabi sa kanyang staff na huwag nang ilagay ang pangalan nito sa mga naisakatuparan niyang mga project. Okay na raw na makita ng publiko ang logo nitong “Aksyon Agad”.

Pahayag pa ni Sylvia, “Sobrang happy ako na pinapanood at pinapakinggan ang talumpati niya at napa-proud sa lahat ng mga naging achievements niya.

“Ang nabago pa sa kanya, mas lalo siyang naging selfless at mas lalong nakatuntong ang mga paa sa lupa,” lahad ng nanay ni Cong. Arjo.

Nauna nang naibalita ang pagiging emotional ni Arjo sa kanyang SODA kasabay ng pagtatapos ng kanyang termino bilang kinatawan ng unang distrito ng QC.

Tumatakbong muli ang mister ni Maine Mendoza para sa ikalawa niyang termino bilang kongresista sa darating na May 12, 2025 elections.

Sabi ni Arjo, “It is my responsibility to report to my constituents. Public service is public trust. Kapag may ibinoboto kayo, ang ibinibigay niyo po ay tiwala. At ang tiwala ay dapat sinusuklian ng tapat, malinaw, at totoong serbisyo.

“That is why transparency and accountability must always be at the heart of governance. Bilang inyong kinatawan, responsibilidad kong ipaalam sa inyo kung ano ang ating nagawa, ano ang ating ginagawa, at ano pa ang ating gagawin para sa unang Distrito ng Quezon City,” aniya.

“Isa sa mga pinakamalaking hamon ay ang kahirapan at kawalan ng trabaho, lalo na sa mga nasa impormal na sektor. Maraming pamilya na kumakayod ngunit hirap pa ring makatawid sa araw-araw. Ang kawalan ng hanapbuhay ay nagbubunga ng kawalang-katiyakan sa kinabukasan.

“Kaya’t mahalaga ang pagpapalakas ng ating programang pangkabuhayan. In terms of healthcare, marami ang hindi pa rin makapagpagamot dahil sa kakulangan ng pondo. At ang gastusin sa ospital ay madalas na nagiging pabigat sa kanilang pamilya dahil kulang po ang kita.

“Pagdating naman sa edukasyon at pag-unlad ng kabataan, hindi sapat ang simpleng pagkakaroon lang po ng paaralan.

“Kinakailangan tiyakin na bawa’t batang taga-Distrito Uno ay may de kalidad na edukasyon, at sapat na oportunidad upang mapaunlad ang kanilang talento at kakayahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kailangan natin ng mas maraming programa para sa kabataang nangangarap nguni’t kapos sa suporta,” tuluy-tuloy na pahayag ni Arjo Atayde.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending