Arjo Atayde emosyonal sa thanksgiving ng Nathan Studios para sa ‘Topakk’
NAGING emosyonal ang award-winning actor at public servant na si Cong. Arjo Atayde sa naganap na thanksgiving party para sa buong production ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Topakk.”
Nagpasalamat ang kongresista sa lahat ng nakasama niya sa naturang pelikula, mula sa kanyang mga co-stars hanggang sa staff and crew ng Nathan Studios na nagpakahirap din para mabuo ang proyekto.
Ayon kay Arjo, very proud siya sa lahat ng bumubuo ng “Topakk” na itinuturing na rin niyang pamilya kaya nga hindi niya maiwasang makaramdam ng “sepanx” o separation anxiety sa naganap na thanksgiving party.
Wala rin siyang nararamdamang panghihinayang na hindi siya nagwaging best actor sa MMFF 2024 para sa “Topakk”, ang mahalaga raw sa kanya ay ang mga natanggap nilang papuri mula sa mga manonood at kapwa artistang nakapanood sa kanilang entry.
“Every role, I just try my best. I don’t want to prove anything. I just want to tell a good story. I’ve been doing action for a long time pero sa ‘Topakk,’ we did things that haven’t been done.”
“Everything has been such an experience. This MMFF is very diverse, iba’t ibang pelikula, iba’t ibang emosyon, at iba’t ibang mensahe.
View this post on Instagram
“I’m just so happy to see the progression of different stories. We’re all storytellers at the end of the day. To be part of the 50th edition of the festival is a bonus,” ang naging pahayag ni Arjo nang makausap siya ng media sa naganap na MMFF 2024 Gabi ng Parangal.
Naiuwi ng “Topakk” ang Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence, Best Float, at Special Jury Prize awards sa MMFF 2024 na extended pa hanggang bukas, January 14.
Samantala, present din sa pa-thanksgiving ng Nathan Studios ang isa sa mga nakasama ni Arjo sa movie na si Enchong Dee na todo rin ang pasasalamat dahil naging bahagi siya ng “Topakk.”
Talaga palang ipinagdasal at minanifest niya ang naturang proyekto kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya kay Lord dahil dininig agad ang kanyang panalangin.
Sa panayam kay Enchong ni Bianca Gonzalez para sa TFC show na “BRGY”, nabanggit niya na pangarap talaga niya ang maka-attend sa mga international film festival.
“Sabi ko, Lord isang international filmfest lang. Gusto ko siya ma-experience. Gusto ko lang maka-experience ng film festival para maintindihan ko kung mahal ko ba talaga siya o hindi. And then dinala niya ako dun kaagad sa top of the food chain, ‘yung Cannes Film Festival kaagad,” saad ng aktor.
Hanggang sa maging bahagi nga siya ng “Topakk” na nabigyan ng chance na makarating sa Cannes Film Festival noong 2023 kasama ang mga may-ari ng Nathan Studios na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde.
“Tapos nagsunud-sunod siya, dinire-derecho ni Lord. Limang film festivals kaagad ‘yung napuntahan ko. Du’n ko na-realize na when you create a film, it doesn’t stop with the Filipino audience, you have so much opportunities outside,” sabi pa ni Enchong.
Patuloy pa niya, “Du’n na nagbukas ‘yung mata ko na okay I want to be able to create films here and for the audience outside the Philippines.
“Ganu’n na ‘yung prayer ko, directed na siya sa ganu’n and then nagkatotoo na naman siya. Okay because I opened myself up to the opportunities, I started manifesting for a lot of films outside. Actually tinweet ko ‘yun eh sabi ko I’m manifesting for an international film festival and it happened,” aniya pa.
“Just recently, I was able to shoot something that is not a Philippine production so I’m excited because the way I picture it, I am bringing the Philippine flag, eh nagawa ko na siya as a swimmer eh, I wanna be able to do it as an actor,” ang masaya pang chika ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.