Sylvia mas ginanahang mag-produce dahil sa concert ni Ice: Yun ang No. 1 para sa akin, pumalakpak ako, kumanta, umiyak, tumawa | Bandera

Sylvia mas ginanahang mag-produce dahil sa concert ni Ice: Yun ang No. 1 para sa akin, pumalakpak ako, kumanta, umiyak, tumawa

Ervin Santiago |January 01,2023
facebook
share this

Sylvia mas ginanahang mag-produce dahil sa concert ni Ice: Yun ang No. 1 para sa akin, pumalakpak ako, kumanta, umiyak, tumawa

Ervin Santiago - January 01, 2023 - 08:15 AM

Sylvia mas ginanahang mag-produce dahil kay Ice: Yun ang No. 1 para sa akin, pumalakpak ako, kumanta, umiyak, tumawa

Ice Seguerra, Liza Dino at Sylvia Sanchez

GANADUNG-GANADO ngayon ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez bilang isang producer.

Yes, talagang kakaririn na ng nanay nina Congressman Arjo Atayde at Ria Atayde ang pagpo-produce hindi lamang ng mga pelikula kundi pati na rin ang mga live events at malalaking concert.

Ito’y sa pamamagitan nga ng itinatag niyang production company na Nathan Studios na siyang nag-produce ng matagumpay na anniversary concert ni Ice Seguerra katuwang ang Fire and Ice Media na pag-aari naman ng OPM icon at ng kanyang asawang si Liza Dino-Seguerra.

Naganap ang successful concert ng award-winning singer-songwriter na “Becoming Ice” last October na talaga namang pinag-usapan sa loob at labas ng showbiz industry.

“Lubos akong nagpapasalamat sa Fire and Ice Media Productions para sa solid partnership ninyo with Nathan Studios.

“Napakaraming stress at paghihirap sa buhay na galing sa pandemya na pinagdaanan at isa ang live events na todong naapektuhan ng lockdowns at quarantine,” ang bahagi ng pahayag ni Sylvia sa naganap na thanksgiving party at presscon ng Nathan Studios at Fire And Ice kamakalawa, December 30.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)


Aniya pa, “Mas lalo akong ginanahan na mag-produce nu’ng right after nu’ng concert niya kasi nakita ko at mas nakilala ko kung sino si Ice. So parang yung ganu’ng klaseng show ang gusto kong i-cater sa lahat ng tao at ipakita na kaya natin.

“Yung pinagyayabang ko until now yung concert ni Ice. Kung puwede nga ako na bumili lahat ng tickets para ipamigay sa lahat, gagawin ko. Pero siyempre hindi ko naman kaya gawin yun.

“Ang dami ng magagandang concert na napanood ko dito sa atin at abroad, pero yung kay Ice na concert, yun ang number one na concert para sa akin,” mensahe ni Ibyang.

“Pumapalakpak ako, kumakanta ako, umiiyak ako, humahalakhak ako, namamangha ako kasi buong buhay ni Ice yung kinuwento.

“Para siyang live na teleserye yung pinapanood ko. Yun yung gusto ko na klase na mao-offer ko sa mga tao,” chika pa niya.

“Iba rin yung fulfillment dito na nakukuha ko. Sobra-sobra. Ito din kasi yung pangarap ko nu’ng bata ako, na sana makapag-produce ako ng magagandang shows na mamahalin ng lahat ng tao at magugustuhan.

“Actually yung movies saka na natin pag-usapan yun dahil di kasama dito pero nag-produce na yung Nathan Studios. Meron na,” chika pa ng veteran Kapamilya actress.

At sa first quarter nga ng  2023, “Ang Fire and Ice and Nathan Studios magsasama na. First time na magsama sa Becoming Ice sa Solaire, pangalawa namin ang Divine Divas at susunod na yung Becoming Ice  sa Cebu at marami pang iba.

“Hindi kami staff lang dito sa pag-po-produce ng concerts kundi marami pa kaming balak. Kaya antabayanan niyo at kailangan namin nag tulong ninyong lahat.

“Abangan niyo kasi marami kaming plano na hindi lang actually hanggang stage lang kami, ang dami pa na gusto namin ni Ice at ni Liza na ang goal namin is magpasaya talaga ng tao. Antabayanan niyo ang Fire and Ice at Nathan Studios,” rebelasyon pa ni Sylvia Sanchez.

Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa Gutierrez sumagot sa paratang ni Rowena Guanzon: I did not fire anyone

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending