Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam | Bandera

Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

Ervin Santiago - September 12, 2022 - 08:02 AM

Ice Seguerra

MAY dalawang TV show ang nagsalba sa OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra noong mabawasan ang projects at mga raket niya bilang artista.

Ang tinutukoy ng singer-actor ay ang longest-running noontime show sa bansa na “Eat Bulaga” at ang comedy-fantasy series na “Okay Ka, Fairy Ko.”

Sa pagdiriwang ng ika-35th anniversary sa entertainment industry ni Ice, tinatanaw pa rin niyang malaking utang na loob ang tiwala at suporta ng kanyang “Eat Bulaga” family, lalung-lalo na sa producer nitong si Antonio Tuviera at kay Vic Sotto, ang producer ng “Okay Ka, Fairy Ko”.

Nakachikahan ng mga opisyal at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) si Ice kamakailan para sa kanyang “Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert” na gaganapin sa October 15, 8 p.m., sa The Theater at Solaire.

Naikuwento ng asawa ni former Film Development Council of the Philippines (FDCP) Liza Dino sa amin ang mga highs and lows ng kanyang career at personal life.

Ayon sa actor-singer at direktor na rin ngayon, hindi siya iniwan at pinabayaan nina Mr. Tuviera at Bossing noong teenaged years niya. Ito yung mga taon na wala na siyang acting projects at iba pang mga karaketan.

“Ito ‘yung (panahong) nagpupumilit akong mag-loveteam para magkaroon ng work. Ang trabaho ko noon, mga piyesta-piyesta. 

“Kumbaga, ang show ko lang noon was Eat Bulaga and Okay Ka, Fairy Ko. So, talagang ang laki rin ng utang na loob ko noon kay Tito Vic, kina Mr. T. kasi they sustained me. 

View this post on Instagram

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


“If it weren’t for these two shows, kasi I have no movies then, alam mo ’yon? Wala akong movie. eh. Siyempre that time, ‘di ko pa alam na ‘ay, magiging singer pala ako.’ 

“Kasi wala naman siya sa… alam mo ‘yun? Unang-una, ang boses ko… ‘di ko naman alam na magiging singer ako, eh,” pag-amin ng OPM hitmaker.

Naikuwento rin ni Ice yung panahong naging miyembro siya ng isang showband na nagpe-perform sa isang bar sa may Aurora Boulevard. Nu’ng mga unang araw daw nila sa bar ay halos wala talagang nanonood sa kanila.

Pero nang tumagal na ay napupuno na rin nila ang venue. Hanggang sa  dumating na yung araw na nakipag-meet na sa kanya ang record producer ng hit single niyang “Pagdating ng Panahon” na si Margot Gallardo kasama ang EP na sina MJ Mozo at Merlie Cipriano (dating mga taga-Vicor).

Inalok daw siya ng mga ito na mag-record ng single na naging isang buong album na nga nang makabuo na ng ilang kanta si Ice.

Umani ito ng gold at platinum record awards na ang title track ay isinulat nina Edith Gallardo at Moy Ortiz. And the rest as they always say, is history.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Ice kung bakit sina Bossing Vic at Martin Nievera ang kinuha niyang guests sa “Becoming Ice” concert niya, ang pagbabalik niya sa live concert scene after 10 years.

“It has to be meaningful. My guests should have a deep connection to me. Hindi lang basta koneksyon, pero milestone sa buhay ko. Naging parte sila ng buhay ko,” aniya pa.     ,

“They impacted my life in such a way that I was changed. So I want to celebrate that as well because that’s becoming Ice. I am who I am now because of these people who I look up to,” pahayag pa niya.

Siniguro ni Ice na napakarami niyang inihandang pasabog sa kanyang major-major concert tulad ng isang bagong sng na ilu-launch niya sa mismong show.

Si Ice rin ang direktor ng kanyang comeback concert and produced by Fire and Ice Media and Productions, Inc. (pag-aari nila ni Liza) with Nathan Studios. Si Ivan Lee Espinosa ang musical director.

Mabibili na ang tickets sa TicketWorld (P7,200, SSVIP; P6,100, SVIP; P5,000 VIP; P4,650.00, Gold; P3,350, Lower Box; at P2,250, Upper Box).

Ang “Meet and Greet Package” para sa SSVIP ticketholders ay may eksklusibong meet and greet kasama si Ice, personal selfie at eksklusibong Becoming Ice merchandise item, habang ang SVIP at VIP ticketholders naman ay may eksklusibong merchandise item.

https://bandera.inquirer.net/316897/mommy-caring-todo-iyak-nang-malaman-ang-pinagdaanang-depresyon-at-axiety-ni-ice-seguerra

https://bandera.inquirer.net/323167/ice-seguerra-hindi-kumpleto-ang-kuwento-ng-buhay-ko-kung-wala-si-tito-vic-sotto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/316475/pangarap-ni-ice-seguerra-na-makapagdirek-natupad-na-sa-totoo-lang-akala-ko-hindi-na-magkakatotoo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending