Liza, Ice pinaiimbestigahan ang 'missing' gadgets sa maleta

Liza, Ice hindi pa nahahanap ang ‘missing’ gadgets sa maleta, iniimbestigahan na

Pauline del Rosario - March 30, 2025 - 03:20 PM

Liza, Ice hindi pa nahahanap ang 'missing' gadgets sa maleta, iniimbestigahan na

PHOTO: Instagram/@lizadino

NANAWAGAN na ng agarang aksyon si Liza Diño mula sa pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mawala ang laptop at smartwatch na nasa loob ng kanyang bagahe.

Sa panayam sa “Teleradyo Serbisyo” noong Biyernes, March 28, ikinuwento ni Liza ang insidente kasama ang kanyang asawa na si Ice Seguerra.

“I had a flight from San Francisco to Manila. Pagdating ko, dumating naman ‘yung maleta. Normally ‘pag dumadating naman ‘yung maleta, ‘di mo naman siya chini-check agad sa loob,” chika niya.

Dagdag niya, “Ibinili ko si [Ice] ng Apple watch tsaka laptop. ‘Pag bukas namin [ng maleta], wala na talaga. As in wala.”

Baka Bet Mo: Ice Seguerra, Sitti naglasing sa mismong kasal ni Juris, wasak ang puso

Ipinaliwanag ng dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson na napilitan siyang ilagay ang nasabing gadgets sa check-in baggage dahil mayroon na siyang tatlong laptop sa kanyang backpack.

Nabanggit din nila sa interview na bago pa man nila buksan ang maleta sa bahay, napansin nilang may tila hiwa sa bag na maaaring indikasyon na sinira ito gamit ang matalim na bagay.

Aminado ang mag-asawa na hindi pa sila tiyak kung sa Pilipinas o sa Estados Unidos nangyari ang insidente.

Subalit, binigyang-diin nila na kung sa US ito nangyari, dapat ay nagbigay ng notice of inspection ang Transportation Security Administration (TSA) kung sakaling may inalis itong gamit sa kanyang bagahe.

“Nakakatakot na feeling kasi grabe, I’ve been traveling for the last 30 years. First time ko na-experience ‘yung gano’ng kinuha sa loob ng maleta ko,” wika ni Liza.

Samantala, nakipag-ugnayan na sa kanila ang Philippine Airlines at nagsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Ibinunyag din ni Liza na naging maasikaso ang airline sa kanilang reklamo at inalok pa siyang bayaran ang smartwatch na nagkakahalaga ng $1,000 o mahigit P57,000, ngunit hindi kasama ang laptop na may parehong halaga.

Nakipag-ugnayan din umano sa kanya ang Department of Transportation (DOTr), subalit wala pa itong ibinibigay na update tungkol sa insidente.

“I’d like to think that ngayon talaga very active sila to address this issue na nangyayari sa NAIA kasi syempre, mukha po ng Pilipinas ‘yan e,” saad ni Liza.

Nang tanungin kung ano ang nais niyang mangyari matapos ang insidente, ang sabi niya: “Sana magkaroon po ng proactive na action ‘yung ating airport on how to address these matters.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We need to take this as a point of action of our authorities sa NAIA na kapag may ganitong incident na nanakawan ‘yung bag mo mismo, how do they get in touch with that airport and ano ‘yung protocols nila,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending