Pamilyang biktima ng 'tanim-bala' sa NAIA tinratong basura

Pamilyang nabiktima ng ‘tanim-bala’ sa NAIA tinratong parang basura

Ervin Santiago - March 11, 2025 - 02:30 PM
Pamilyang biktima ng 'tanim-bala' sa NAIA tinratong parang basura

SA halip na mag-sorry ay tinawanan pa umano ng airport staff ang isang senior citizen na nabiktima ng “laglag-bala” o “tanim-bala” modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Feeling ni Cai Adel at ng kanyang nanay na si Ruth Adel ay na-discriminate sila sa sariling bansa matapos ang mapait at traumatic na karanasan nila sa NAIA kamakailan.

Para raw silang tinratong basura nang harangin sila umano ng tatlong airport personnel para i-check ang kanilang mga bagahe, na nakitaan daw ng basyo ng bala ng baril sa x-ray screening.

Base sa panayam ng ABS-CBN kay Cai Adel, na siyang nag-post sa social media tungkol sa modus na “tanim-bala” sa airport, ni hindi man lang daw sila kinausap ng tatlong empleyado ng NAIA para humingi ng dispensa sa nangyari.

Wala naman kasing nakitang basyo ng bala ng baril sa mga dala nilang bagahe. Ayon sa ulat, hindi nagtugma ang inireport ng isang airport officer na nasa bag ng mga biktima ang basyo, sa sinasabi ng supervisor na nasa handbag.

“Hindi nag-sorry. Siguro kung nakipag-usap nang maayos, bakit nila nagawa ‘yon. Tawad lang po. tinawanan pa kami. Feeling namin na-discriminate, parang tinratong basura kami sa sariling bayan,” ayon kay Cai Adel.


“Binibigyan namin sila ng chance para makipag-usap sa amin. Eksplanasyon lamang ang inaantay namin sa kanila.

“Hindi namin ini-expect na lalaki nang sobra kasi sa amin, tourist awareness lang po para makapag-ingat ‘yong ibang kapwa senior citizen at kapwa biyahero namin,” ang sentimyento pa ng pasahero.

Ayon naman kay Ruth, sinabi umano sa kanya ng tatlong airport staff na may natagpuan silang “anting-anting” sa kanyang bag.

Nang tanungin niya kung ano ang tinutukoy na anting-anting, sinabi ng isang security officer habang natatawa, na may nakita silang bala sa kanyang bagahe gamit ang X-ray scanner.

Ayon pa kay Ruth, inakala niyang biro lamang ito dahil sa casual na paraan ng pagsasabi ng security officer.

Kasunod nito, nag-issue naman ng official statement ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) hinggil sa naturang insidente.

Esplika ng NNIC, ang security screening ng airport, kasama na ang inspeksyon sa mga bagahe sa pamamagitan ng x-ray, ay nasa ilalim ng Office for Transportation Security (OTS).

“Passenger safety and security at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) is a shared effort among multiple government agencies, each with its own responsibilities.

“The Office for Transportation Security (OTS), under the Department of Transportation, is solely in charge of security screening, including x-ray baggage inspections.

“Regarding reports of a suspected empty bullet shell detected in a passenger’s bag during screening at NAIA Terminal 3, NNIC immediately coordinated with OTS and reviewed CCTV footage related to the case.

“OTS has taken the lead in the investigation and will be issuing a statement to discuss their findings and any next steps.”

“To prevent similar incidents and strengthen public confidence, NNIC is working with OTS to reinforce security monitoring, proper screening procedures, and transparency in security operations. Our priority is to maintain an airport environment that is safe and efficient for all travelers.”

“NNIC remains committed to working with the OTS and other authorities to provide a secure and seamless airport experience.”

“For inquiries regarding security procedures and the investigation, we refer passengers to the OTS,” ang buong pahayag ng NNIC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinalita naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na tinanggal na ang tatlong airport personnel na inireklamo ng mga pasahero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending