Miles walang paki sa body shamers; kaliga na sina Mariae, Maine

Miles Ocampo walang paki sa body shamers; kaliga na sina Marian at Maine

Ervin Santiago - April 24, 2025 - 03:35 PM

Miles Ocampo walang paki sa body shamers; kaliga na sina Marian at Maine

Miles Ocampo kasama ang mga executives ng All Access To Artists (AAA)

MARAMING nakakapansin na may araw na napapanood nila si Miles Ocampo sa “Eat Bulaga” na payat pero may mga pagkakataon na bigla uli itong nadadagdagan ng timbang.

Nagpaliwanag ang TV host-actress tungkol dito nang makapanayan siya ng BANDERA at ilang piling miyembro ng entertainment media kamakailan.

Humarap si Miles sa media nitong nagdaang Martes, April 22, sa naganap na contract signing para sa pagpasok niya bilang pinakabagong talent ng All Access To Artists (AAA) management.

Present sa pirmahan ng kontrata sina AAA President and CEO Direk Michael Tuviera, CFO and COO, Joselito C. Oconer; at Head of Operations and Sales Jacqui L. Cara.

Ayon kay Miles, may mga nababasa at naririnig pa rin siyang mga negatibong komento hinggil sa kanyang katawan pero hindi na raw siya nagpapaapekto sa mga ito.

Wala na raw siyang pakialam sa mga body sha­mer na walang ginawa kundi ang okrayin ang kanyang weight na may kinalaman pa rin daw sa kanyang sakit.

Sey ni Miles, okay naman daw ngayon ang kanyang health condition, sa katunayan binawasan na raw ng kanyang doktor ang tine-take niyang maintenance medicine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Masaya rin niyan ibinalita na cancer-free na siya matapos sumailalim sa ilang treatment kaya wala na siyang inaalala sa ngayon.

“‘Yung weight ko po kasi nga nagpapalit-palit po siya every three to four months, depende sa meds ko.

“So, nu’ng mga una po, grabe ‘yung frustration ko kasi siyempre parang ‘di ko naman maipapaliwanag sa lahat ng tao na ‘my weight is like this because of my meds, because of my maintenance meds.’

“Dumating po talaga sa time na after operation ko pinapabalik ako sa Bulaga, ayoko pang bumalik kasi alam kong manas ako, alam kong ‘di ako confident sa sarili ko,” ang pag-amin ni Miles.

Dugtong pa ng dalaga, “Tapos hanggang sa eventually sa tulong ng mga tao sa paligid ko, parang, ‘bakit ba ako nai-stress sa isang bagay na I can’t control.

“And I don’t have to explain myself all the time sa mga tao. Siyempre gagawin ko rin ‘yung part ko, dahil bilang artista, siyempre kailangan naman po na presentable tayo,” pagbabahagi ni Miles.

“Pero nasa point ako ngayon na in-embrace ko kung anong katawan ko kasi kung pati ako ay…kung ibang tao nga may kino-comment tapos pati ako magiging ganu’n tingin ko sa sarili ko, parang mahirap for me to please people, everyone.

“At least ako po ngayon, ine-embrace ko kung anong katawan ko, my situation, as long as I’m doing my part. Wala, ‘di na po ako naaapektuhan talaga ‘pag sinabihan akong mataba. Wala na siya talaga,” ang napakapositibong pananaw ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Last year, ibinalita ni Miles na sumailalim siya sa surgery para tanggalin ang kanyang mga thyroid gland matapos ma-diagnose ng Papillary Thyroid Carcinoma.

Ito ay isang uri ng thyroid cancer na kung hindi magagamot ay maaaring kumalat sa iba pang bahagi ng katawan.

Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Miles sa pagtanggap sa kanya ng AAA management bilang bago nitong talent.

Sey nga ni Miles after ng contract signing, “Feeling ko po talaga artista ako, kasi first time kong mag-contract signing (sabay tawa). After ilang years kaya salamat po sa Triple A. Sure na po ba talaga kayo Direk (sabay tingin kay Mike Tuviera)!? Ha-hahahaha!”

Nilinaw din ni Miles na walang isyu sa pag-alis niya sa dati niyang management, ang Crown Artist Management Inc., ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Nagsimula ang career ni Miles bilang commercial model para sa isang food brand hanggang sa mapasok na siya sa mundo ng showbiz bilang child actress. Napanood siya noon sa mga Kapamilya TV show na “Mangarap Ka”, “Krystala”, “Goin’ Bullit” at sa teen-oriented show na “Luv U.”

She also played lead roles in the afternoon drama, “And I Love You So,” and in the movie, “Write About Love”. May supporting roles din siya sa mga blockbuster movies na “A Very Special Love,” “You Changed My Life In A Moment,” at “It Takes A Man and A Woman.”

Most recently, she hosted the game show, “Emojination” and played the lead role in TV5 daytime series “Padyak Princess.”

Napanalunan naman niya ang first acting award sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Family of Two” bilang Best Supporting Actress. At napapanood nga siya araw-araw sa longest noontime show in Asia na “Eat Bulaga.”

Sa pagpasok ni Miles sa AAA, kaliga na niya ngayon sina Marian Rivera, Maine Mendoza, at Carla Abellana.

Sabi naman ni Direk Mike, pamilya na talaga ang turing nila kay Miles. Ito umano ang turo ng ama niyang si Tony Tuviera sa lahat ng katrabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol naman sa mga plano nila sa career ng aktres at TV host, sey ni Direk Mike, “Meron kaming series na gagawin for Netflix. Iibahin namin sa daily niyang ginagawa sa ‘Bulaga.’ At dahil magaling din siya sa drama, soon, gagawa kami ng movie para sa kanya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending