Judy Ann Santos: 2024 grabe ka! Binusog mo ang buong taon ko!

Judy Ann Santos: 2024 grabe ka! Binusog mo ang buong taon ko!

Ervin Santiago - January 01, 2025 - 03:14 PM

Judy Ann Santos: 2024 grabe ka! Binusog mo ang buong taon ko!

Judy Ann Santos kasama ang pamilya at mga malalapit na kaibigan

NAGBALIK-TANAW ang Queen of Soap Opera na si Judy Ann Santos sa mga naging kaganapan sa kanyang personal life at showbiz career nitong nagdaang 2024.

Abot-langit ang pasasalamat ng nagwaging best actress sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2024 Gabi ng Parangal para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Espantaho.”

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Juday ang ilang mga litrato na kuha sa mahahalagang milestones ng kanyang buhay kung saan nakasama niya ang mga taong malalapit sa kanya bukod pa sa kanyang pamilya.

“2024… grabe ka… binusog mo ang buong taon ko ng napakaraming masasayang ganap,” ang simulang caption ng Kapamilya superstar sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Juday titigil muna sa pag-arte: ‘Hinihingi na ng katawang-lupa ko ang magpahinga, ramdam ko na ‘yung tanda ko’

Patuloy pa niya, “From JAK’s comeback.. to memorable trips.. to countless chefs nights.. to great projects.. to new clients, realizations and challenges…

“Napakaraming dapat at patuloy na ipagpasalamat… hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa pinaka malaking pasabog mo,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kabilang nga sa itinuturing na bonggang highlight ng kanyang showbiz career nitong nagdaang taon ang pagkakaroon ng entry sa MMFF 2024 na may bonus pang best actress trophy.

“Ang mapasama at makapag uwi ng tropeo ng mmff50 para sa ESPANTAHO! Naluluha pa rin ako pag naiisip ko, kung gaano kakulay itong taong ‘to.

“Sa bawat isang taong nakasama at nakatrabaho ko.. maraming maraming salamat.. nakaukit kayo sa puso ko.

“At lahat ng ito.. hindi posible, kung hindi dahil sa pinaka magandang biyaya sa buhay ko.. Ryan, Yohan, Lucho and Luna.. kayo ang buhay ko.

“Maraming salamat po Panginoon sa patuloy na pag gabay at pag protekta… nakahanda ako sayo 2025!” ang kabuuang mensahe ni Judy Ann sa pag-welcome niya sa 2025.

Nauna rito, naging emosyonal nga si Juday nang manalong best actress sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal para sa horror movie nilang “Espantaho” mula sa Quantum Films.

“Hindi ko pa rin mapaliwanag. Sa totoong salita, napakasurreal pa rin ng mga pangyayari sa ’kin.

“Sa lahat ng awards night sa maniwala man or hindi, may parte ng puso mo na hindi ka maniniwala pero may parte ng puso mo na kumakapit na sana,” sey ni Juday sa isang video na ipinost niya sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag niya, “Ang cliche sabihin na mapabilang ka sa history ng MMFF 50, ‘yun pa lang ang sarap ng pakinggan. Pero makapag-uwi ka ng award na ganito kabigat in this historic MMFF, walang kapantay, walang kapalit. It’s so good to be part of this history.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending