Vice Ganda kay Atty. Leni: Katulad ka rin ni Bambi…
MAGING ang dating bise presidente ng Pilipinas na si Atty. Leni Robredo ay nagbigay suporta sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Vice Ganda na “And The Breadwinner Is…”
Isa kasi ang abogado sa mga naimbitahan para sa blockscreening ng pelikula nitong Huwebes, January 2.
Kasama ni Atty. Leni sa panonood ng pelikula ni Vice ang panganay na anak na si Aika at ang iba pang miyembro at staff ng Angat Buhay Foundation.
Nagpaabot naman ang Unkabogable Star ng mensahe at appreciation sa effort ng datng bise presidente kung saan ikinumpara niya ito sa kanyang karakter sa pelikula.
Baka Bet Mo: Vice Ganda patuloy na ‘pinipilahan’: Ako po at ang masa ay may ugnayan
View this post on Instagram
“Si Madam Leni, minsan nang naging breadwinner nating lahat. Ikaw yung breadwinner. Ang tingin ko sayo, ikaw din si Bambi. Katulad ka rin ni Bambi, isa ka ring breadwinner na parang hindi rin napahalagahan ng lahat,” saad ni Vice.
Dagdag pa niya, “Ito po ay pag-aalala at pagbibigay pugay sa mga breadwinners at hanggang ngayon ay patuloy ka naming binibigyang pugay dahil hindi namin nakakalimutan lahat ng ginawa mo, pagmamahal at sakripisyo para sa amin.”
Nagpasalamat rin si Atty, Leni kay Vice sa pelikula nito dahil marami ang naka-relate sa mga members ng Angat Buhay Foundation na tila mga breadwinners rin.
“Talagang pinagpa-planuhan namin ‘tong panoorin, pero siguro blessing na ang kasama ko ngayon, mga kasama ko sa ‘Angat Buhay’, at karamihan sa kanila ay breadwinners. Kaya yung kwento at dialogue, nag-resonate sa marami kong kasama,” sey ni Atty. Leni.
Dagdag pa niya, “Pagpapasalamat sa lahat ng sakripisyo na ginagawa ng mga kababayan natin para sa pamilya nila, para sa bayan. Yung inaakalang hindi na-aappreciate at saka nare-recognize, etong film na ‘to, eto yun. Yung pag-recognize at pag-appreciate sa lahat ng hirap na dinaranas ng napakarami nating mga kababayan. Kaya salamat for giving an outstanding performance.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.