Russian vlogger tinawag na sira-ulo ni PBBM: Pwede ko bang murahin?!

Vitaly Zdorovetskiy at Bongbong Marcos
TINAWAG ni Park Bongbong Marcos na “sira ulo” ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy na nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso.
Sa pamamagitan ng kanyang weekly vlog, nag-react si PBBM sa naturang trending at viral content creator na sinampahan na ng mga otoridad ng multiple criminal complaints.
“Marami tayong nakita sa mga lansangan nitong mga nakaraang linggo, sigawan, sindakan at pambabastos sa Pilipino,” bahagi ng pahayag ni PBBM.
Aniya, walang Pinoy na matutuwa sa ginawang pambabastos ni Zdorovetskiy sa mga kababayan natin pati na ang iba pang foreigner na vloggers na nagki-create ng hindi magagandang content sa Pilipinas.
“Sira ulo rin ito, hindi naman Pilipino, pwede ko bang murahin?” ang hirit ni President Bongbong.
“Nakakalungkot dahil ito’y isang naging bahagi na ng social media, na nagkakaroon ng mga vlogger na nanggugulo lang, nang-aasar lang, nambubwisit lang, nambabastos lang para makakuha ng mga viewers.
View this post on Instagram
“Huwag tayong sasama diyan sa ganyang klaseng ugali,” paalala pa ng pangulo sa sambayanang Filipino.
Mariin pa niyang sabi, “Hindi naman ganyan ang ugaling Pilipino. Asahan ninyo ‘yung mga gumagawa ng ganyan, hindi natin pababayaan na patuloy nilang ginagawa ‘yan.”
Inisa-isa pa ni PBBM ang mga katangian ng Pinoy na naabuso ng mga bandaging vlogger tulad ng pagiging mabuti at maawain sa kapwa, magalang, mapagkumbaba, at ang pagkakaroon ng mahabang pasensya.
Kasunod nito, siniguro naman ng pangulo na hindi papayagan ng Pilipinas ang ginagawang pambu-bully ng mga banyaga sa mga kababayan natin sa sarili nating bansa.
“Dapat tayo pumalag sa mga bully. Kasama ninyo ang pamahalaan para ilugar ang mga ganitong tao,” mariing sabi pa ni PBBM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.