Phoemela Baranda itinago ang anak dahil sa 'morality clause'

Phoemela Baranda itinago ang anak dahil sa ‘morality clause’ ng kontrata

Ervin Santiago - April 15, 2025 - 06:00 AM

Phoemela Baranda itinago ang anak dahil sa 'morality clause' ng kontrata

Phoemela Baranda at Boy Abunda

IBINUNYAG ng TV host-actress at model na si Phoemela Baranda kung bakit kinailangan niyang itago noon sa publiko ang kanyang anak na si Kim.

Edad 18 pa lang si Phoemela nang ipagbuntis niya ang anak at 19 years old naman siya nang ipanganak ito.

Inalala ng aktres ang kanyang naging journey sa pagdadalang-tao noong teenager siya nang mag-guest sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Ayon kay Phoemela, so far ay “doing very good” naman ang anak niyang si Kim na 26 years old na ngayon.

“Thank you, because of Tito Boy’s help na naman, narating ko na ngayon siyempre ‘yung gusto ko na maging ina kay Kim,” ang simulang pahayag ng host.

Unang ipinakilala sa publiko si Kim bilang pamangkin ni Phoemela pero makalipas ang ilang taon ay sinabing kapatid daw niya ito.

“We went through a lot because my mom, ‘yung mommy ko ‘yung naging nanay niya na, of course, passed away and ‘yung big ano namin ‘yun, big challenge namin or malungkot na parte ng buhay namin ‘yon,” pahayag ni Phoemela.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝒫𝒽𝑒𝓂 (@phoemelabaranda)


Pag-amin pa niya kay Tito Boy, “Nu’ng 20s ako, talagang isip-bata. Hindi ako handa. Hindi kaya (ang maging isang dalagang ina).”

It was her mother daw ang nakaisip na pansamantala munang itago ang kanyang pagiging batang ina at sumang-ayon naman siya rito.

“I agreed to that because that time kasi as a model, talagang maraming morality clause, marami akong contract na mawawala.

“Nakakontrata ako sa ganitong product, shampoo, sabon, lahat ‘yan, they’re very strict sa morality clause,” aniya pa.

Patuloy pa niya, “But sobrang ibang-iba na ngayon, ‘di ba? Ngayon, talagang lahat ‘yan, accepted naman. So that time, I had to do it for my family para hindi kami mawalan ng income, siyempre.”

Ayon pa kay Phoemela, nakausap niya si Kim ilang taon bago inamin sa publiko na anak niya ito.

“Medyo nahirapan siya kasi talagang para kaming magkapatid up to now. Actually para kaming sisters. Alam mo, swerte ako, Tito Boy. Hindi siya nagalit sa ‘kin. Feeling ko naman walang resentment. Naintindihan niya,” pahayag pa ng aktres.

Bukod dito, masaya rin siya na nagkaroon na uli ng koneksyon si Kim sa kanyang tatay.

“She turned 21, and sabi ko it’s time for her to meet her father talaga, na magkaroon na kayo ng relasyon. Kasi na-meet naman niya ‘yung daddy niya before.

“But to have a relationship with the father is very important para mabuo din siya,” sey ni Phoemela.

Samantala, nagbalik-akting din si Phoemela sa unang Viu Original series ng GMA na “Slay.” Gumaganap siya rito bilang controlling mother ng karakter ni Gabbi Garcia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bida rin sa “Slay” sina Julie Anne San Jose, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, Derrick Monasterio, Royce Cabrera, Jay Ortega, Gil Cuerva, Tina Paner, Chuckie Dreyfus, at Simon Ibarra.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending