Gabbi Garcia sa relasyon nila ni Khalil Ramos: He maintains me well
AMINADO ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia na chill na lang sila ng dyowang si Khalil Ramos sa kanilang relasyon.
Naging topic kasi nila ang usaping pag-ibig habang kausap ang kapwa Kapuso stars na sina Ashley Ortega at Dustin Yu.
Kasalukuyan kasing nasa loob ng Bahay ni Kuya si Gabbi bilang parte ng kanyang tasks sa pagiging latest Kapuso host ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”.
Nabanggit nga ni Ashley na matagal na ang relasyon ng dalawa at natanong kung may puntong nagkasawaan na sila sa isa’t-isa.
Baka Bet Mo: Gabbi Garcia bet ipasok si Barbie Forteza sa PBB house
View this post on Instagram
“Si Gabbi, 8 years na rin with Khalil. Nasa healthy relationship na siya. Pero hindi ba kayo dumarating sa point na parang nagkakasawaan na kayo sa isa’t isa? 8 years is so long, para na kayong mag-asawa,” saad ni Ashley.
Sey naman ni Dustin, “Alam mo kapag tumatagal na kayo, hindi naman totoo ‘yong sawa, e. Basta ineenjoy niyo.”
Sinegundahan naman ito ni Gabbi at sinabing araw-araw ay consistent pa rin ang treatment nila sa isa’t isa.
“Sometimes I ask him ‘am I too much to maintain?’ and he tells me ‘no’. He maintains me well,” lahad ni Gabbi.
Amin pa niya, simula pa lang daw ng kanilang relasyon ay goal na nila na magsama nang matagal.
“Tsaka from the get go parang in-aim talaga namin na pahabain ‘yong relationship namin. Kasi alam namin na we’re here for the long run, not just for dating,” saad pa ni Gabbi.
In terms naman ng pagiging malapit nila sa opposite sex ay hindi ito problema sa kanilang dalawa dahil sa assurance na meron sila sa bawat isa.
Kuwento ni Gabbi, “Kung i-hug ko man si River and Dustin, tatawanan lang ako non. Gano’n na kami ka-chill sa relationship namin. May assurance talaga sa isa’t isa.
“And never kami nagkaroon ng problema dahil sa babae o lalaki. It’s possible pala talaga to have a healthy relationship. Hindi nga rin kami nag-aaway.”
Matatandaang naging bukas na rin naman si Khalil na ang gusto niya ay ikasal sila ni Gabbi.
Sa kabila nito ay hindi pa naman niya nababanggit kung kailan magaganap ito pero sigurado na silang endgame nila ang isa’t isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.