Gabbi Garcia bet ipasok si Barbie Forteza sa PBB house
IBINUNYAG ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia kung sino para sa kanya ang karapat-dapat na makapasok sa “Pinoy Big Brother” house mula sa mga hanay ng GMA artists.
Sa kanyang naging panayam sa GMA Integrated News nitong Martes, February 11, inamin ng dalaga na looking forward siya na mapanood si Barbie Forteza.
“Si Barbie. We always see Barbie’s primetime princess side as an actor. I’m pretty sure people wanna get to know her on a deeper level,” saad ni Gabbi.
Nang usisain naman siya kung magiging isa sa mga housemates ang kanyang boyfriend na si Khalil Ramos ay tila hati ang kanyang damdamin.
Baka Bet Mo: Gabbi Garcia bagong host ng ‘Pinoy Big Brother’: Game na ba kayo?!
View this post on Instagram
Chika ni Gabbi, “Kung pinapatawag siya ni Kuya, wala tayong magagawa.”
Nagbigay naman siya ng payo para sa kanyang dyowa sakaling makasama ito sa “Pinoy Big Brother Collab”.
“Behave. Siguro more of—kasi he’s very introverted—just talk to people,” sey ni Gabbi.
Matatandaang nitong January 28 nang magkaroon ng contract signing sa pagitan ng GMA at ANS-CBN para sa kanilang collaboration kung saan ilan sa mga Kapamilya at Kapuso artists ang papasok sa Bahay ni Kuya.
Noon namang Linggo, February 9, sa noontime show na “All Out Sundays”, ipinakilala si Gabbi bilang isa sa mga Kapuso hosts ng “Pinoy Big Brother” kasama ang Kapamilya hosts na sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.