Barbie Forteza tatakbo laban sa karahasan sa mga kababaihan

Barbie tatakbo laban sa karahasan sa kababaihan; Alden hanap ang purpose

Ervin Santiago - April 21, 2025 - 12:35 AM

Barbie tatakbo laban sa karahasan sa kababaihan; Alden hanap ang purpose

Barbie Forteza at Alden Richards

SA lahat ng ginagawa ngayon ng Asia’s Multimedia Star at Box-office King na si Alden Richards ay palagi na niya itong hinahanapan “purpose”.

Kabilang na nga riyan ang mga ginagawang pelikula at teleserye, pati na ang pagtanggap ng iba pang proyekto at ang mga susuportahang adbokasiya.

Tulad na lang ng pakikiisa niya sa mga makabuluhan fun run na may layuning tumulong at magbigay-inspirasyon sa lahat lalo ng sa mga kabataan.

Natutuwa rin si Alden dahil mas dumarami pa ang mga tulad niyang naglalaan ng panahon sa mga ganitong uri ng advocacy, tulad ng kapwa Kapuso na si Barbie Forteza. Parehong nasa kanilang fitness era ang dalawang GMA stars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Sabi nga ni Alden sa isang panayam, very proud siya sa itinuturing niyang running mate dahil sa pagiging active nito sa pagsali sa mga advocacy fun runs.

“Nakaka-proud si Barbie. Tumatakbo na din siya sa mga fun runs na may kinalaman sa Women’s health di, ba, so Women’s Day run, and I think that’s the higher purpose of it when you do things,” sey ni Alden.

Dugtong pa niya, “Minsan hindi mo na lang siya gagawin for your own benefit, e. Like when I commit to different things in life, hinahanap ko ano ba yung purpose nito, what good it could do to everybody who’s involved.”

Nag-start maging aktibo ang Pambansang Bae sa pagtakbo last year at talagang naglalaan na siya ng oras para sa iba’t ibang physical activities kabilang na ang running, cycling, at crossfit.

Si Barbie naman ay ngayon lang sumali  sa kanyang first ever fun run para magbigay suporta at inspirasyon sa mga batang may cancer.

Sa susunod niyang takbo, ipaglalaban naman ng aktres ang kanyang adbokasiya laban sa karahasan sa mga kababaihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending