Josh Ford emosyonal na inalala ang kinasangkutang tragic car accident
UMIIYAK na nag-open up ang Sparkle artist na si Josh Ford sa kasamang si Gabbi Garcia hinggil sa car accident na kinasangkutan dalawang taon na ang nakalilipas.
Sa live stream ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”, habang sila ay nasa garden area ng PBB house ay nagkaroon ng heart to heart talk ang dalawa at ang naging topic nga ay ang naturang aksidente kung saan namatay ang dalawa niyang kaibigan na si Andrei Sison pati na rin ang mga kasamang sina Arman Velasc at Paolo Bueza.
“Ang sakit lang kasi parang kapatid ko na ‘yung mga ‘yon. When I’m alone at home, sila ‘yung palaging nandoon,” pagbabahagi ni Josh.
Nitong Lunes, March 21, ang ikalawang anibersaryo ng naganap na car accident kung saan tatlo ang kinitil na buhay at tanging siya lamang ang naka-survive.
Baka Bet Mo: Sparkle artist Andrei Sison naaksidente, pumanaw sa edad na 16
View this post on Instagram
“Minsan nga after taping, umuwi ako tapos laba na ‘yung mga damit ko because of them,” pagpapatuloy pa ni Josh.
Amin pa niya, kailanman ay hindi nawala ang mga kaibigan sa kanyang mga dasal.
“I always hope na happy sila and I’m sure they are.”
Talaga namang mahirap para kay Josh ang pagkamatay ng mga kaibigan lalo pa’t 16 years old lang siya nang mangyari ito.
“They are so proud of you right now, Josh. They are so proud of you that you move forward and you’re here fighting. I’m pretty sure they are your angels,” pag-comfort ni Gabbi sa aktor.
Amin pa ni Josh, ang suot niyang yellow polo ay ibinigay ni Andrei sa kanya ilang aeaw bago ito mamatay.
“I think there’s a reason why he [Andrei] gave that to you,” sabi naman ni Gabbi.
Sagot ni Josh, “What’s crazy is that hindi naman kami mapera and he still gave it to me just because he had a coupon.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.