Will Ashley takot nang mag-open up: It was used against me

Will Ashley takot nang mag-open up: It was used against me

Therese Arceo - March 25, 2025 - 08:21 PM

Will Ashley takot nang mag-open up: It was used against me

HINDI napigilan ng Sparkle artist na si Will Ashley ang maging emosyonal matapos malaman na isa sila ng ka-duo na si River Joseph sa mga nominado at maaaring tuluyan nang umalis ng Bahay Ni Kuya.

Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”, inamin ng aktor na hirap siya sa paglalabas ng kanyang saloobin na ipinalabas noong Lunes, March 24.

Amin ni Will sa ka-duo, madalas niyang nararamdaman na burden siya sa iba at hirap siya sa pg-o-open up.

“Ayun ‘yung wino-work ko sa sarili na hindi ko mabago pa. Kaya kadalasan kapag nasa ganitong sitwasyon, basta hindi talaga OK ‘yung feeling kapag nag-oopen (up).

Baka Bet Mo: Herlene Budol bet talakan ang puma-plastic kay Ashley Ortega

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“May sasabihin ako na parang wala kang napi-feel. In-explain ko lang sa ‘yo para alam mo,” saad ni Will.

In-encourage naman siya ng kaibigan na huwag matakot sa pagsasabi ng kanyang nararamdaman dahil makakatulong ito sa kanya.

Nang mapatawag naman sa confession room ay agad naiyak si Will nang mausisa ang kanyang pag-iisa.

Dito ay nabanggit niya ang kanyang ina at ang pangako niya rito bago pumasok sa PBB house.

Lahad ni Will, “Bigla ko lang naalala, Kuya, ‘yung reason ko kung bakit ako lumalaban every day kasi, Kuya, plano niya na pong mag-work abroad noon eh.

“So, sabi ko po sa kanya, huwag na po siyang umalis kasi dalawa na lang din po kami. ‘Yun po ‘yung time na namatay ‘yung dad ko. Parang gusto ko lang po, Kuya, na maging happy siya.”

Aniya, nami-miss na niya ang kanyang ina at ang paraan nito ng pag-comfort sa tuwing hindi siya ok.

“Na-miss ko po ‘yung comfort. ‘Yung feeling ng comfort na mayakap ng sarili mong nanay. Iba kasi po ‘yung feeling kaysa ‘yung kaibigan lang talaga.”

Dito na nasabi ni Will ang dahilan kung bakit hirap na hirap siyang magsabi ng saloobin sa mga kaibigan.

“Ako po kasi, hindi po talaga ko ma-open na tao. Kadalasan po kasing pumapasok sa utak ko. Ayokong maging burden sa ibang tao. Parang iniisip ko lagi na kaya ko naman mag-isa. Gagawin ko ng sarili ko.

“Kasi may mga times po rin na naging sobrang open ako. Sobrang naging comfy ako. Lahat ng problems ko, naikwento ko hanggang sa nagamit siya against me sa likod ko. Hindi po maganda ‘yung sinasabi,” sey ni Will.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinaalala naman ni Big Brother na parte ng pagiging housemate ang pakikisalamuha sa iba.

“Bahagi ng karanasan bilang house ang pakikipagkapwa tao. At nangangahulugang pagiging bukas sa kanila. Naiintindihan ko, marami kang pagdududa, takot, pero hindi ito dahilan para tumigil at sigurado ako ‘yung din ang sasabihin ng nanay mo,” payo ni Big Brother kay Will.

Dagdag pa niya, “Ang hinahanap ng mga housemates ay ‘yung panahong makilala ka at maramdaman ka. Baka din makahanap ka ng ibang pagkakaon na makapagpaliwag ka kung bakit ka tahimik para mas maintindihan ka nila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending