Mika Salamanca bago pumasok sa PBB: I made so many mistakes

Mika Salamanca bago pumasok sa PBB: I made so many mistakes

Therese Arceo - March 13, 2025 - 09:19 PM

Mika Salamanca bago pumasok sa PBB: I made so many mistakes

KALIWA’T kanan ang pambabatikos na natanggap ng Sparkle artist at vlogger na si Mika Salamanca sa kanyang pagpasok bilang official house sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”.

Nitong Linggo, March 9, isa-isang ipinakilala ang mga artistang parte ng bagong edisiyon ng teleserye ng totoong buhay kung saan nagsama-sama ang mga piling artista mula sa ABS-CBN at GMA.

Isa nga sa Sparkle stars si Mika na ipinakilala bilang “Controversial Ca-babe-len ng Pampanga”.

Kasama niya ang kapwa Sparkle stars na sina Michael Sager, Ashley Ortega, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming, at Dustin Yu.

Baka Bet Mo: Mika Salamanca: ‘Wala talagang nag-cheat sa amin ni H2wo’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hindi naman maiwasan na mag-trending at mag-viral si Mika lalo na at recently ay naugnay siya sa isang kontrobersiya.

Marami sa mga netizens ang tila disappointed dahil hinayaan raw ng management na maging bahagi ito ng PBB kahit may isyu itong kinakaharap.

Agad namang rumesbak ang mga fans at kaibigan ni Mika para ipagtanggol ang dalaga sa mga mapanghusgang netizen.

Anila, hindi naman daw hahayaan ng management na pumasok ito kung talagang may kaugnayan ang dalaga sa kontrobersiya.

Samantala, sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab” ay ikinuwento ni Mika ang kanyang istorya bago pumasok sa mundo ng showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang dami kong pinagdaanan, nagkaroon ako ng mga issues because I was young, I was alone, I made so many mistakes when I was a kid, when I was younger,” pagbabahagi ng dalaga.

Amin ni Mika, nag-audition na siya noon sa PBB ngunit hindi siya natanggap at thankful siyang ngayon ay nabigyan na siya ng oportunidad.

“Ngayon ko siya sobrang kailangan kasi ngayon ako bumalik, ngayon ako ready. I thank God for everything na pinagdaanan ko ngayon,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending