Dyowa ni Buboy Villar palaban, rumesbak kay Angillyn Gorens

Bagong dyowa ni Buboy Villar palaban, rumesbak kay Angillyn Gorens

Ervin Santiago - March 26, 2025 - 11:26 AM

Bagong dyowa ni Buboy Villar palaban, rumesbak kay Angillyn Gorens

Buboy Villar, Isay Sampiano at Angillyn Gorens

“ALAMIN muna ang totoo bago maniwala sa tsismis. God bless!” Iyan ang pahayag ng partner ni Buboy Villar na si Isay Sampiano sa gitna ng pambabasag sa kanila ng magkapatid na Angillyn at Veybillyn Gorens.

Nag-post si Isay sa TikTok ng makahulugang mensahe tungkol sa isyu ng “privacy” na pinaniniwalaang may konek sa mga patutsada ng ex ni Buboy at sa sisteraka nito.

Halos magkasabay na naglabas ng kanilang saloobin sina Angillyn at Veybillyn sa social media matapos ibandera nina Buboy at Isay ang kanilang relasyon kasabay ng paglantad sa kanilang baby.

Nangyari ito sa pagdiriwang ng 27th birthday ni Buboy sa online show nila ni Tuesday Vargas na “Your Honor” kung saan nagkuwento nga ang magdyowa tungkol sa kanilang love story.

Bad trip ang magkapatid dahil hindi raw inilabas ng magdyowa sa publiko ang tunay na nangyayari sa kanilang personal na buhay, kabilang na ang kawalan daw ng oras ni Buboy sa mga anak nito kay Angillyn at sa pababawas ng sustento sa mga bata.

Kasunod nga nito, ibinahagi ni Isay ang isang quote sa TikTok kung saan mababasa ang mga katagang, “There’s beauty in privacy. Read that again.

“Resist the temptation to publicize your life on social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isay Sampiano🐻ིྀ (@_isaysampiano)


“Everything isn’t meant to be on display. Keep things away from the public eye which can easily turn into the evil eye.

“People can’t destroy what they don’t know.”

Mababasa naman sa caption ni Isay, “PS. Alamin muna ang totoo bago maniwala sa tsismis. Godbless.”

Walang binanggit na pangalan si Isay sa kanyang post ngunit naniniwala ang mga nakabasa nito na para ito kina Angillyn at Veybillyn na nagsabing tila nawawalan na ng panahon si Buboy sa dalawang anak nila ni Angillyn na sina Vlanz Karollyn, 7, at George Michael, 5.

Hirit ni Veybillyn, “1 month nyo hindi dinalaw ung mga bata tapos kahapon dinalaw nyo? hahahaha. kasi????

“Ganyan kayo kakups hindi nyo naaalala yung mga batang wala na nga yung nanay sa Pilipinas ikaw na nga lang anjan DAPAT para saknila TAPOS SASABIHIN NYO INSECURE YUNG NANAY?!

“KAHIT AKO NANAY NYAN MABABADTRIP AKO SA INYO. Porke may bagong baby KINAKALIMUTAN NYO!?

“Ako ngang tita 2 times A WEEK KO PINUPUNTAHAN MGA ANAK NYO,” sey ni Veybillyn.

Sa Facebook page ni Angillyn, sinagot niya ang ilang komento at katangungan ng netizens tungkol sa kanila ni Buboy at sa kanilang dalawang anak.

Sagot ni Angillyn sa mga netizens na kumuwestiyon sa kanyang pagiging nanay, “NASA AMERICA AKO PARA MAG WORK AT MAG PROVIDE SA KIDS KO.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa question kung bakit ngayon lang siya nag-react about Buboy ansmd Isay, “Cause they keep using my kids on their interviews and their statements are far from the truth. Edi sumabog na ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending