AC Bonifacio, Bianca de Vera nagkaayos na, nag-sorry sa isa’t isa
NAGKAAYOS na ang Star Magic artists na sina AC Bonifacio at Bianca de Vera matapos ang matensyon na pagkikita.
Isang isyu ang nabuksan nang pumasok na si Bianca sa loob ng Bahay ni Kuya bilang isang official housemate.
Tila nabigla si AC nang makita na si Bianca ang pinakabagong adisyon sa kanilang mga housemates.
Dahil sa emosyong nararamdaman ay naging bukas siya sa ibang housemates na awkward para sa kanya ang sitwasyon at ang kapwa aktres ang pinakakinakabahan siyang makasama sa PBB house.
Baka Bet Mo: AC Bonifacio kabado kay Bianca de Vera, awkward dahil kay Harvey Bautista?
View this post on Instagram
“She is my boyfriend’s ex, like before me. And I honestly have no problem with her,” lahad ni AC sa ibang housemates.
Pagpapatuloy niya, “Me and and my guy started dating, she was going around telling friends na ‘Ah, si ano is my TOTGA.'”
Ang lalaking tinutukoy ni AC ay ang kanyang dyowang si Harvey Bautista.
At dahil nga matagal silang magsasama sa PBB house ay nag-reach out na siya kay Bianca para mawala ang ilangan.
Sa kanilang pag-uusap ay nilinaw ni Bianca kay AC ang rason kung bakit niya itinuturing na TOTGA o The One That Got Away si Harvey.
“Hindi ko sinabi ‘yun kasi gusto ko siyang kunin sa ‘yo ulit. Of course, not! Not at all! I’m so happy na nakahanap ng babaeng makakatapat ng parehong love na nabibigay niya sa mundong ito,” paliwanang ni Bianca kay AC.
Dagdag pa niya, “When I said that, it wasn’t to hurt you at all but it was to say he was a great guy. He’s lucky to have you as you are to have him.”
Sa nagdaang forum ng mga housemates na pinangunahan ni Gabbi ay nag-sorry sina AC at Bianca sa isa’t-isa.
Na-bring up ni Bianca ang tila silent war sa pagitan nila noon na naayos nila nang magsama sa PBB house.
“I’m sorry AC. It took us a while to actually be able to talk, Sorry kung nasaktan kita. I am sorry because, I feel the circumstances that we have. Hindi tayo makapag-build ng connection. Alam mo na ‘yun, we have already talked about this. I am sorry! I love you.”
Amin naman ng actress-dancer, pinagsisisihan niya na hinayaan niya ang mga tao sa paligid sa pagdedesisyon niya at hindi muna inalam ang panig ni Bianca.
“I regret so much na, inallow ko ang mga tao beside us to not let me see this beautiful personality that you are. I regret so much na why did it take us happen to be in PBB.
Lage naman tayo nagkikita.
“Kaya I hope you know talaga na sa outside, I want us to be good, I’m honest to tell it to you, you’re so beautiful inside and out. And I just regret all those years na we’ve known each other and we’ve never fully connect, coz you’re so beautiful I love you,” sey ni AC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.