Juday super sexy na dahil sa kakaibang diet: May bewang ako ngayon!
IN-EXPLAIN ni Judy Ann Santos ang naging journey niya sa ginawang pagpapapayat na tumagal daw ng halos walong taon.
Agaw-eksena ang kaseksihan ni Juday sa naganap na Metro Manila Film Festival 2024 Gabi ng Parangal kung saan kitang-kita ang kanyang kurbada sa OOTD niyang figure-hugging, off-shoulder black dress.
Biro nga ng Kapamilya actress sa kanyang acceptance speech nang manalo siyang best actress para sa pelikulang “Espantaho”, “May bewang ako ngayon, pagbigyan n’yo na ako.”
Nakachikahan kamakailan ng ilang piling members ng entertainment media si Juday, kabilang ang BANDERA at dito nga niya nai-share kung paano niya na-achieve ang kanyang current weight na 128 pounds.
Baka Bet Mo: Juday sa pagiging host ng ‘Magandang Buhay’: Nakakaloka! Kinakabahan ako, ano ba yan?!
Nagsimula raw ang kanyang fitness journey matapos ipanganak ang bunsong anak nila ni Ryan Agoncillo na si Luna noong January, 2016. Ang timbang niya that time ay 190 pounds.
“Umabot ako sa kanya ng mga 190 pounds. Caesarean ako kay Luna, e, then siyempre, nasa 40s na ako noong time na yun, mahirap na talaga (magpapayat). Ang hirap nang bumalik.”
View this post on Instagram
Inamin ni Juday na apektado rin ang overall wellbeing niya ng paglobo ng kanyang timbang pero ang pampalubag-loob niya sa sarili, “Maganda naman ako. Tatanggapin naman ako ng mga tao kahit mataba ako.
“Nu’n lang, parang noong nag-decide akong mag-fasting, hindi naman ako nag-detox. Hindi ako nag-decide noon na ang goal ko is pumayat.
“Ang goal ko lang talaga is mag-cleansing. Gusto ko lang magtanggal ng toxins sa katawan kasi wala akong energy,” sabi pa ng aktres.
Patuloy pa niya, “Malungkot ako, mainitin ang ulo ko, mabilis akong mapikon. E, kilala ko yung sarili ko, hindi ako ganu’n, e. Mahaba ang pasensiya ko.
“Hindi talaga, pero may times ako na naranasan na kahit ako, naiinis na ako sa sarili ko. Kasi parang hindi naman ako ito. ‘Ba’t ang sungit ko today, Juday? Ano ba nangyayari sa akin?’
“Then I realized, baka masyado ng maraming toxins yung katawan ko.” So that was the first time, that was two years ago na nag-start akong mag-cleansing, during pandemic pa.
“Towards the end of pandemic, doon ako nag-decide na baka I need to cleanse. So I did all the thorough cleansing needed. Naka-focus ako sa wellness. I really want to feel better.
“Kasi ayoko na ibubunton yung init ng ulo ko sa ibang tao. Kasi nakakasama ng pakiramdam. Ayoko yung feeling na may na-upset akong tao.
“Lalo na yung mga anak ko, asawa ko na parang nadadamay sila sa kung ano man yung state of mind ko noong time na yun. Doon na lang siya nagsimula. Yung katawan sumunod na lang,” paliwanag pa ni Juday.
View this post on Instagram
Pagdedetye pa niya sa uri ng diet na kanyang sinusunod, “Basically, magiging vegetarian muna ako or vegan for three days. Tapos mag-juicing ako for four days. Tapos ayurvedic food na siya.”
Ayon sa isang health website, “Ayurvedic diet is based on balancing different types of energy within the body.”
Esplika ni Juday, “Ayurvedic, basically parang siya based sa dosha (energy type) ng katawan mo. Kung mataas ang kapha mo o pitta mo.”
Si Chechel Joson ang gumagawa ng food ni Juday, “Siya ang nag-supply ng pagkain ko everyday hanggang ngayon. May drinks, may juices, may smoothies. May program ako sa kanya.
“So kahit sa set, pag nagde-detox ako sa set, may pagkain akong bitbit,” chika pa niya.
Matinding disiplina raw ang ginagawa ni Juday para mapangatawanan ang kanyang diet, “Kailangan lang sagrado yung time na yun.”
At bilang isang chef, kapag nagluluto siya ng iba’t ibang klaseng putahe, “Tinitikman ko, pero hindi ko nilulunok.”
Patuloy pa niya, “Hindi na ako nagdi-dinner (kapag late at pagod na), nag-smoothie na lang ako. So parang medyo nagkaroon na ako ng rhythm na kailangan may two hours kasi akong pahinga bago ako makatulog after dinner. So pagkaganu’n, alanganin na yung oras, smoothie na lang.”
Samantala, showing pa rin sa mga sinehan ang kanilang MMFF 2024 entry na “Espantaho” mula sa direksyon ni Chito Roño under Quantum Films.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.