Rufa Mae tagumpay sa pagpapapayat: Thanks to my award-winning body! go, go, go! | Bandera

Rufa Mae tagumpay sa pagpapapayat: Thanks to my award-winning body! go, go, go!

- December 18, 2018 - 06:25 PM

SUCCESSFUL ang ginawang pagpapapayat ni Rufa Mae Quinto!

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng komedyana ang naging journey niya sa pagbabawas ng timbang mula noong tumaba siya nang bonggang-bongga during her pregnancy.

Sa isang IG photo, makikita si Rufa Mae na nakahiga sa isang hospital bed, kitang-kita rito na lumaki talaga ang kanyang katawan dahil na rin sa kanyang pagbubuntis.

Aniya sa caption, “Ok ito Po ako pag ka panganak ko, omg! 6 months ako 24 hours eating, gained 85 lbs – Hinde ko na post pag ka panganak ko kasi nagulat ako sa laki ko, madaming nan lait, nag sabi na balik mo katawan mo, Oo yes nakaka losyang manganak .

“Nawalwal talaga ako sa panganganak . 8:4 lbs si @alexandriamagallanes ang laki nyan Kaya Cs ako… Pero still the best feeling pa din ito … maging Isang ganap na Babae…. maging Ina ka! And my husband @trevvvsilog bought a new camera for me para sabi ko picture picture naman pagkapanganak ko. Basta new year 2019! New year resolution.

“This picture I screen shot to my auntie @annagreyz08 , nadelete ko kasi sa camerako na shock ako talaga…todo na to! Ps. I lost weight in a natural way . In the most tipid way

Sa isa namang litrato na ipinost niya, makikita ang seksing-seksing version ni Rufa Mae. Aniya, “Konting kembot lang guysh! I’d like to dedicate this to myself. I hope I like it! Thanks to my award winning body!!! Go go go! Fight fight fight ! Hep hep hooray. Ngayon lang ako unti -unting bumabalik sa sarili ko, slowly may time na ako alagaan sarili ko.

“Ang tagal ko naging insecurity ang postpartum body ko, as in pag ka panganak ko araw araw ,(mga ika 7 month after ko manganak, every time I look myself in the mirror naiiyak ako, na sad, I told myself, ‘Bakit ganito, ang laki laki ng braso ko, legs ko, bakit tummy ko naimpis na kasi nga lumabas na baby @alexandriamagallanes…Yes!!! Soon sa vlog ko new year resolution 2019 , ilalabas ko na ang secret na walang clue, beauty secret ko. Abangan.

“Yung very very lite puson ko nalang ang kailangan mawala )- Hinde pwede biglain pag payat ko kasi Ayaw ko maging saggy skin ko,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending