Kiray ayaw pang magpakasal: ‘Ngayon pa lang ako nagdadalaga!’

Kiray Celis hindi pa handang magpakasal: ‘Ngayon pa lang ako nagdadalaga!’

Pauline del Rosario - March 15, 2025 - 10:53 AM

Kiray Celis hindi pa handang magpakasal: ‘Ngayon pa lang ako nagdadalaga!’

PHOTO: Instagram/@kiraycelis

“AKO talaga ‘yung hindi ready!”

Ito ang inamin ng actress-comedienne na si Kiray Celis matapos diretsahang tanungin ng King of Talk na si Boy Abunda kung magse-settle down na sila ng boyfriend na si Stephan Estopia.

Unang inusia pa nga ni Tito Boy kung na-engage na ang dalawa.

At ang sagot diyan ni Kiray: “No. Of course, ikaw ang unang makakaalam ‘nun.”

Kwento pa ng komedyana, “Sobra ko siyang pine-pressure. Sabi ko, ‘Gusto ko ganitong singsing ah, dapat ganito kamahal. Bla bla bla.’”

Baka Bet Mo: Kiray: ‘Hindi ko naman talaga pangarap sumikat, gusto ko lang magkaroon ng pera para sa pamilya ko’

“Pero kasi feeling ko, reasons ko lang ‘yun. Siya, lagi niyang sinasabi na ‘sobrang ready na ako. Hindi pa ba?’ Parang hindi niya pa nararamdaman na ready ako,” patuloy niya.

Paliwanag ni Kiray na kaya ayaw pa niyang mag-asawa dahil ang prayoridad pa rin niya ay ‘yung kanyang pamilya.

“Pero ngayon, ako pala talaga ‘yung hindi ready. Parang late bloomer ako, Tito Boy,” sambit niya.

Aniya pa, “Ngayon ko pa lang nafi-feel na parang — uy, ngayon pa lang ako nagdadalaga.”

Kung matatandaan, taong 2019 nang isapubliko nina Kiray at Stephan ang kanilang relasyon.

Sa isang interview, ibinunyag ng komedyana na matalik na kaibigan ng kanyang kapatid si Stephan at nagkadevelopan sila dahil sa paglalaro ng online games.

Nauna na ring nabanggit noon ni Kiray na hindi pa siya handang bumuo ng sariling pamilya, lalo na’t nais pa niyang mag-enjoy sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi pa yan ‘yung priority ko at tsaka may takot kasi ako. Ayoko na hindi ako ready ‘pag nangyari ‘yun,” sey ng aktres sa panayam with Paolo Contis.

Saad pa niya, “Alam kong blessing ang mga bata, ang mga babies. Sa ngayon, ngayon pa lang siguro ako nag-eenjoy ng pera ko, gusto ko pa tumulong sa parents ko kaya hindi pa ako ready sa baby.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending