Kiray engaged na, humagulgol nang mag-propose si Stephan

Kiray Celis engaged na, humagulgol nang mag-propose si Stephan Estopia

Ervin Santiago - April 22, 2025 - 07:25 AM

Kiray Celis engaged na, humahulgol nang mag-propose si Stephan Estopia

Kiray Celis at Stephan Estopia

ENGAGED na ang komedyante at negosyanteng si Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.

Ibinandera ni Kiray sa social media ang pagpo-propose ng kanyang long-time dyowa kalakip ang ilang litrato na kuha sa naganap na engagement. Magpa-five years na rin ang kanilang relasyon.

Sa kanyang Instagram account makikita ang mga naging kaganapan sa proposal ni Stephan na naganap sa isang beach resort.

Ang nakasulat sa caption ng post ni Kiray ay, “Ang CEO ng Hot Babe, Hello Bloom at Day-Li ay ENGAGED na!!!”

Sa isang picture na ibinahagi ng komedyana ay makikita ang pagluhod ni Stephan sa harap ni Kiray habang hawak ang engagement ring.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Kasunod naman nito ang litrato kung saan naging emosyonal si Kiray at napaiyak habang isinusuot na ni Stephan ang singsing sa daliri niya.

Present sa naganap na engagement ang mga parent at kapatid ni Kiray pati na ang pamilya ni Stephan.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati mula sa netizens at ilang celebrities para sa engaged couple.

“Congrats bebe ko wohooooo!” ang mensahe ni Ai Ai delas Alas.

Post ni Donnalyn Bartolome, “Awwe. congrats Kiray!”

Sabi ni Sexbomb Jopay Paguia, “Congrats nak.”

Pagbati naman ni Queenay Mercado, “OMGGGG!!! Congratulations.”

“Aww congrats nak!!!” comment ng Beautederm Corporation CEO na si Rhea Tan.

Binati rin ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang magdyowa with three emoji.

Matatandaang sa isang interview ay sinabi ni Kiray na napag-uusapan na rin nila ng boyfriend ang kasal, “Kapag nagmo-mall kami, nagtitingin na siya ng mga diamond ring. Sabi ko, ‘Hindi ako bababa sa P500,000. Kailangan, mas mataas.’

“May trabaho naman siya. So, galingan niya, ‘no?! Sa tagal-tagal na panahon na hindi ako nag-boyfriend, ‘tapos yun lang pala yung hinintay ko, di ba?

“Pero alam niya na deserved ko. Nagtingin-tingin na siya. Naririnig-rinig ko, pero natatawa lang ako sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang hirap naman mag-assume pero napag-uusapan naman namin. Ang sarap sabihin na ramdam mo kapag tamang tao para sa ‘yo,” chika ng komedyana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending