Stephan Estopia kay Kiray: Di ko kayang mabuhay nang wala ka

Stephan Estopia sa proposal kay Kiray: Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka

Ervin Santiago - April 24, 2025 - 10:35 AM

Stephan Estopia sa proposal kay Kiray: Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka

Kirby Celis at Stephan Estopia

KINONDISYON pala ng aktres at negosyanteng si Kiray Celis ang sarili na kapag nag-propose sa kanya si Stephan Estopia ay hindi siya iiyak.

Binalikan ng komedyana ang ilang mahahalagang eksena sa naganap na engagement nila ng kanyang long-time non-showbiz boyfriend na si Stephan.

Ipinost ni Kiray sa kanyang social media accounts ang video ng pagpo-propose sa kanya ng fiancé na naganap habang nagbabakasyon sila sa Misibis Bay beach resort.

Ang caption ni Kiray, “Sabi ko sa sarili ko, kapag niyaya ako magpakasal hindi ako iiyak eh. Para maganda ako sa video! Pero wala! MAS MALALA pa pala! HAHAHAHAHA!”

Mas naging extra special pa raw ang proposal ni Stephan nang sorpresahin siya ng kanyang parents at kapatid na personal na nasaksihan ang kanyang engagement.

“At mas lalo akong naging emotional nung sinurprise nila ako na andun MAMA, PAPA at SISTER ko. Hagulgol! Gusto kong magpasalamat kay LORD kasi binigay niya ako sa TAMANG tao,” saad ni Kiray.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Nagpasalamat din siya sa lahat ng dumalo sa special day nila ng boyfriend, “Sa family namin. At sa Kryzl group of companies na family namin na laging andyan para sa smin.

“Salamat kasi lahat ng mahahalaga at mahal ko, nagsama sama sa pinaka masayang ARAW ng buhay ko. Maraming salamat po sa inyong lahat!”

Samantala, sa isang bahagi ng video, makikita nga ang pagluhod ni Stephan sa harap ni Kiray habang nakapalibot sa kanila ang mga mahal nila sa buhay.

“To my loving partner, best friend, soon to be wife, sa 5 years nating pagsasama, ang dami na nating napagdaanan, kulitan, tawanan,” ang mensahe ni Stephan kay Kiray na halatang inaatake ng matinding nerbiyos.

Pagpapatuloy pa niya, “Na-realize ko na hindi ko kaya na mabuhay nang wala ka. Hanggang sa magka-anak tayo, hanggang sa tumanda tayo, hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo, Mommy. Thank you. Mahal na mahal kita.”

Kasunod nito, lumuhod na nga si Stephan sabay saying, “Mommy, Johanna Ismael Celis, will you marry me?”

Dito na napaiyak si Kiray at sumagot ng, “Of course, Dy.”

Pagkatapos nito, nagbigay nga ng message si Kiray sa lahat ng nakasaksi sa kanilang engagement, “Salamat sa pagmamahal sa amin. Thank you thank you so much. Thank you so much sa family.”

Lumingon naman siya kay Stephan at sinabing, “Dad, it’s a yes forever.”

Sa kanyang socmed page, bumati uli ang kapatid ni Kiray na si Jhopay Celis, “Bilang kapatid tapos nalaman ko na may mangyayari na proposal, sobrang happy, sobrang proud ako kasi siyempre si Stephan best friend ko tapos kapatid ko na best friend ko rin, magkakatuluyan.

“Very proud na finally mangyayari na and I think ito ang tamang panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayong may bagong journey ka sa buhay mo, mahal na mahl kita, susuportahan kita. Kung anuman desisyon mo habang buhay, susuportahan kita,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending