Kiray: 'Hindi ko naman talaga pangarap sumikat, gusto ko lang magkaroon ng pera para sa pamilya ko' | Bandera

Kiray: ‘Hindi ko naman talaga pangarap sumikat, gusto ko lang magkaroon ng pera para sa pamilya ko’

Ervin Santiago |March 20,2023
facebook
share this

Kiray: ‘Hindi ko naman talaga pangarap sumikat, gusto ko lang magkaroon ng pera para sa pamilya ko’

Ervin Santiago - March 20, 2023 - 06:33 AM

Kiray: 'Hindi ko naman talaga pangarap sumikat, gusto ko lang magkaroon ng pera para sa pamilya ko'

Kiray Celis

BAKIT nga ba nagdesisyon noon ang komedyanang si Kiray Celis na iwan ang ABS-CBN para lumipat sa GMA 7 noong 2018?

Mula pa noong bata ay nasa Kapamilya Network na si Kiray at tumagal nga siya roon ng 19 years bago nag-decide na mag-ober da bakod sa Kapuso station.

“Kasi na-feel ko na parang…actually ng parents ko na wala na akong work. Akala ko nu’n busy ako kasi nga ang dami kong ginagawa. Yun pala, sa movie na lang ako. Wala na akong TV show,” sabi ni Kiray sa “Just In” digital show hosted by Paolo Contis, last March 15.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Kasunod nito ay nakatanggap nga siya ng offer mula sa GMA, “So, sabi ni Mama, merong in-offer sa amin yung GMA na show. Sabi niya, ‘Tara, lipat ka na rin.’

“Parang nag-aalangan ako kasi parang comfort zone ko na yung ABS, e, saka wala akong kilala sa GMA. Though may mga kaibigan akong taga-GMA.

“Pero paano? Parang bagong bahay, e. Parang magsisimula ulit ako from the start. Magiging zero ako ulit,” lahad ng komedyana.

Sa puntong ito, ipinaalala raw sa kanya ng ina kung ano talaga ang goal niya sa showbiz, “Sabi niya, ‘Hindi naman na yun mahalaga sa yo, di ba, basta may pera lang tayo.’”

Baka Bet Mo: Kiray hindi bet makipag live-in kahit feeling ‘the one’ ang BF: Kailangan kasal muna bago ang lahat!

Ayon pa sa dalaga, wala raw talaga sa mga plano niya noon pa ang sumikat nang bonggang-bongga basta ang nais lamang niya ay ang makapagpasaya ng tao at makatulong sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


“Hindi ko pangarap sumikat. Gusto ko lang talaga makatulong sa family ko. Gusto ko, pera lang para sa pamilya ko,”

“So, kahit hindi ako bida, so kahit anong role, hindi ako namimili. Yung basa-basa ng script, ‘Babasahin ko muna bago ko tanggapin,’ hindi kami nagbabasa. Basta, go! Basta may work, ganu’n talaga, as in,” sabi pa ni Kiray.

Nagpasalamat din si Kiray sa kanyang mga magulang sa walang tigil na pagpapaalala na huwag na huwag  magbabago tulad ng ibang artista.

“Guided lang ako ng parents ko. Hindi ako magiging ganito kung hindi rin dahil talaga sa kanila.

“Minsan iniisip ko, bakit nga ba may mga artista na nagbabago, di ba? Ang dami nating kilalang artista na noong una mabait, pero parang nu’ng tumagal, ba’t parang ganu’n na?“ sabi pa ni Kiray.

“Laging binabalik ng parents ko kung gaano kaayos ang buhay namin sa dati, ‘Wag ka nang bumalik sa dati. Nandito na tayo. Wag mo nang hahayaang bumalik sa dati,” aniya pa.

Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kiray Celis ibinibigay sa mga magulang ang lahat ng kinikita sa showbiz: ‘Kung may raket-raket, ‘yun lang ang sine-save ko sa sarili ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending