Kiray pine-pressure ang BF: Gusto ko ganitong singsing, dapat ganito kamahal

Kiray Celis at Stephan Estopia
DIRETSAHANG inamin ng actress-entrepreneur na si Kiray Celis na pine-pressure niya ang boyfriend na si Stephan Estopia pagdating sa usaping kasal.
May kumalat na chika sa social media na engaged na raw sina Kiray at Stephan dahil may mga post ang binatang gamer sa kanyang Facebook page kung saan tinatawag niyang “Mommy” ang komedyana.
Sa guesting ni Kiray sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” natanong ang Kapuso star kung totoong nag-propose na si Stephan sa kanya at malapit na silang magpakasal.
“No,” ang sagot ni Kiray. Sabay sabi kay Tito Boy ng, “Of course ikaw ang unang makakaalam nu’n.”
Patuloy pa ng komedyana, “Pero kasi, Tito Boy, actually, sobra ko siyang pini-pressure. Sabi ko ‘Gusto ko ganitong singsing ha. Dapat ganito kamahal. Pero kasi feeling ko, reasons ko lang ‘yon.”
Parang nararamdaman daw kasi ni Stephan na hindi pa talaga siya ready na lumagay sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya.
“Siya, lagi niya sinasabi, ‘Sobrang ready na ako. Hindi pa ba?’ Parang hindi niya pa nararamdaman na ready ako,” sey pa ni Kiray.
Kasunod nito, ipinaalala ng King of Talk na naikuwento sa kanya nina Kiray at Stephan na simula pa lang ng kanilang relasyon bilang magdyowa ay kasal na ang intensyon ng binata.
“Hindi. Umpisa pa lamang, gusto na niyang magpakasal. I remember that story. First year niyo pa lamang, Stephan wanted to marry you already,” sabi ni Tito Boy kay Kiray.
View this post on Instagram
Umamin naman ang komedyana na hindi pa talaga siya handa at “late bloomer” siya pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.
“Noong una, inisip ko ‘yung mama ko. Pero ngayon, ako pala talaga ‘yung hindi ready. Late bloomer ako, Tito Boy. Ngayon ko palang napi-feel na parang, uy, parang, feel ko ngayon pa lang ako nagdadalaga,” paliwanag niya.
Nitong nagdaang December, 2024 ay nag-celebrate sina Kiray at Stephan ng kanilang ika-5 anibersaryo as a couple. At bago ito, binigyan pa ng binata ng promise ring si Kiray.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.