Kiray tinawag na 'mommy' at 'soon to be wife' ng BF, ikakasal na?

Kiray tinawag na ‘mommy’ at ‘soon to be wife’ ng dyowa, ikakasal na ba?

Ervin Santiago - March 04, 2025 - 09:25 AM

Kiray tinawag na 'mommy' at 'soon to be wife' ng dyowa, ikakasal na ba?

Stephan Estopia at Kiray Celis

MALAPIT na nga bang magpakasal ang komedyana at negosyanteng si Kiray Celis sa kanyang long-time boyfriend na si Stephan Estopia?

Nakakaloka! Inulan kasi ng “best wishes” at “congratulations” comments ang mga litrato ni Kiray na ipinost ni Stephan sa Facebook kamakailan at sinabing malapit na niya itong maging asawa.

Sa isa niyang FB post, ibinandera ni Stephan ang photo ng kanyang girlfriend  habang nakaupo sa isang couch at nakatutok sa kanyang cellphone.

“My soon to be wife,” ang maikling captipon ng binata sa kanyang post.

Nag-post uli si Stephan sa FB ng picture ng Kapuso comedienne kung saan lantaran na niya itong tinawag na “Mommy”.


Aniya sa caption, “It’s not being in love that makes me happy. It’s being in love with you thats make me happy. I love you always mommy.”

May isa pa siyang ibinahaging litrato ni Kiray na naglalaro ng badminton nat nilagyan ng caption na, “Mapapagod mag badminton pero hindi ang mahalin ka.”

“Gumising na mahal na mahal si Kiray Celis. Ikaw para kanino ka bumabangon? Good morning po,” ang isa pang sweet message ni Stephan patungkol sa kanyang dyowang komedyana.

Wala pa namang nababanggit si Kiray about their wedding pero mukhang malapit na nga itong mangyari. Narito  ang ilan sa mga comments ng netizens.

“Senyora soon to be wife na daw. Naunahan kapa nila.”

“Andami mong napabilib dito stefan. antapang mong lalaki.”

“Sana kht darting ung time na mag Karon kayo Ng anak at tumaba c kiray Mahalin mu parin Ng buo.”

“Ang swerte mo dyan kay kiray marunong sa buhay.”

“Senyora naunahan kapa kw kase puro ibang tao inaatupag mo ayan naunahan ka tuloy ng sissy mo.”

“Totoo n Kya yan sana ging loyal ka KY kiray npakabait niyan idol ko yan simula nuon pa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Swerte na sya kay kiray,maganda na mapag mahal sa magulang, marunong pa sa buhay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending