Kiray super flex sa mga naipundar ngayong 2024: ‘It’s all about smart spending’
BAGO matapos ang taong 2024, very proud na ibinandera ng actress-comedienne na si Kiray Celis ang ilan lamang sa mga achievement niya.
Siyempre, ang malaking flex niya riyan ay ang kanyang mga nabili at naipatayong investments!
“2024 is all about smart saving and smart spending para sa akin,” paglalarawan niya sa isang Instagram post.
“Nag-ipon ako para sa mga paupahan and learned the importance ng choosing the right people and prioritizing needs over wants,” chika niya, kalakip ang ilang litrato na makikita ang pinapa-rent niya.
Baka Bet Mo: Kiray Celis sang-ayon na pwede ring manligaw ang babae sa lalaki: ‘As long as gusto mo ‘yun, why not?’
Bukod daw diyan, hindi mawawala ang mga gala at pasyal niya sa iba’t-ibang bansa.
Chika niya sa post, “Pero siyempre, after all the hustle, nirereward ko lang ang sarili ko. [emojis] may konting byahe, tour o pahinga sa ibang bansa!”
View this post on Instagram
Maliban sa mga nabanggit, swerte rin si Kiray sa kanyang buhay pag-ibig.
Kamakailan lang, ipinagdiriwang niya at ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ang kanilang ika-5th anniversary.
Ibinandera mismo ng aktres ang nakakakilig na photo nilang dalawa na makikitang magkahalikan, kalakip ang matamis na mensahe.
“Salamat sa lahat ng pagmamahal mo sakin at sa pamilya ko. Sa pagsakay mo sa lahat ng trip ko, sa pagsuporta sa lahat ng gusto ko. Sa pagdadrive sakin sa lahat ng work ko. Sa lahat ng toyo ko, sa mga pagiinarte, pagmamaldita at pag susuplada ko sayo. LAHAT LAHAT…wala nakong mahihiling pa kasi nasakin ka na,” lahad niya.
Aniya pa, “Mahal na mahal kita!”
Kung matatandaan, this year ay magkasama silang nag-travel sa Japan at Hong Kong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.