Kiray Celis inamin na super thankful sa bashers, pero…

Kiray Celis inamin na super thankful sa bashers, pero…

Pauline del Rosario |May 27,2023
facebook
share this

Kiray Celis inamin na super thankful sa bashers, pero…

Pauline del Rosario - May 27, 2023 - 04:07 PM

Kiray Celis inamin na super thankful sa bashers, pero…

PHOTO: Instagram/@kiraycelis

INAMIN ng comedienne-actress na si Kiray Celis na wala siyang pakialam sa kahit anong pamba-bash sa kanya ng haters.

Ayon pa nga sa kanya, lubos siyang nagpapasalamat dahil ang ibig sabihin lang niyan ay sikat siya.

‘Yan ang deretsahang sinabi ni Kiray matapos siyang tanungin ng King of Talk na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk” kamakailan lang.

“Wala. Hindi naman ako nagkaka-pera sa kanila e,” sey ni Kiray.

Dagdag pa niya, “At tsaka ‘yung mga namba-bash na ‘yan, updated sila at hindi naman nila ikaw iba-bash kapag hindi ka nila kilala. So thankful ako kasi kilala nila ako.”

Baka Bet Mo: Kiray Celis ibinibigay sa mga magulang ang lahat ng kinikita sa showbiz: ‘Kung may raket-raket, ‘yun lang ang sine-save ko sa sarili ko’

Pero nang tanungin naman ang komedyana kung napipikon siya minsan sa mga ibinabatong masasakit na salita sa kanya, agad naman naging emosyonal si Kiray.

Kwento niya, masakit para sa kanya kapag nadadamay na ang kanyang pamilya.

Tanong ni Tito Boy, “Wala bang pagkakataon na sobra kang napikon?”

Sagot ng aktres sa kanya, “Pag tungkol po sa family. Kapag binabastos ‘yung mama ko, papa ko, ‘yung mga kapatid ko. Pero pag sarili ko, hindi naman.”

“Basta kapag nagsabi ng hindi maganda Tito Boy nahu-hurt ako kagad,” sey niya.

Paliwang pa niya, “Kunwari, nag-post ako ng sexy tapos sasabihin sa mama ko, ‘hindi ka yata tinuruan ng mama mo ng maganda kaya ka ganyan.’ Pero ‘yung totoo, para sakin, ginusto ko ‘yun.”

“Hindi naman ‘yun sa mama ko. Post ko ‘yun. Hindi naman account ng mama ko, ‘diba? Magulat kayo kung mag-post ng two-piece ang mama ko,” ani pa ni Kiray.

Kung matatandaan, noong nakaraang taon ay inihayag na ni Kiray ang pagiging manhid niya pagdating sa mga laiterang bashers.

Ayon sa dalaga, feeling niya ay naturukan na siya ng “immunity” laban sa mga haters sa socmed dahil halos lahat na yata ng masasakit na salita ay ibinato na sa kanya ng mga taong walang ginawa kundi mangnega ng kapwa.

Ilang taon nang nasa showbiz Kiray kaya sanay na sanay na siya sa mga bashers na mula noon hanggang ngayon ay nilalait at inookray ang kanyang itsura.

“Wala namang mangyayari kung papatulan kita. Lalo na kapag inisip ko na parang hindi naman ako magkakapera sa ‘yo so bakit kita papatulan?,” sabi noon ni Kiray.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kiray Celis niregaluhan ng P1-M ang ina bago pa mag-celebrate ng 58th birthday, pero binigyan ng warning ng netizens

Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending