Kiray Celis niregaluhan ng P1-M ang ina bago pa mag-celebrate ng 58th birthday, pero binigyan ng warning ng netizens | Bandera

Kiray Celis niregaluhan ng P1-M ang ina bago pa mag-celebrate ng 58th birthday, pero binigyan ng warning ng netizens

Ervin Santiago |April 11,2023
facebook
share this

Kiray Celis niregaluhan ng P1-M ang ina bago pa mag-celebrate ng 58th birthday, pero binigyan ng warning ng netizens

Ervin Santiago - April 11, 2023 - 05:42 PM

Kiray Celis niregaluhan ng P1-M ang ina bago pa mag-celebrate ng 58th birthday, pero binigyan ng warning ng netizens

Kiray Celis at Meriam Celis

SHOOKT at napaiyak ang pinakamamahal na nanay ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis dahil sa kanyang pasabog na birthday gift.

Hindi makapaniwala si Meriam Celis nang bumulaga sa kanya ang pinaghirapan at pinaghandaang advance birthday gift sa kanya ng napakabait at super generous niyang anak.

Sa pamamagitan ng isang video na in-upload sa Facebook kagabi, April 10, mapapanood ang ginawang pagsorpresa ng komedyana para sa selebrasyon ng ika-58 kaarawan ng kanyang nanay sa darating na May 24.

In fairness, ang bongga talagang magregalo ni Kiray. Imagine, binigyan lang naman niya ng P1 million ang nanay niya at — in cash, ha!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Pahayag ng Kapuso star, matagal nang hiling ng kanyang ina na maipatayo na sana ang binabalak nilang bahay sa nabili nilang lote.

Ang plano nila, kapag natapos nang itayo ang bahay ay gagawin din nila itong paupahan para pangdagdag sa kanilang income.

Ang caption ni Kiray sa kanyang FB post, “1 Million Cash Para kay Mama! (praying hands emoji) Happy birthday, Ma! mahal na mahal kita sobra sobra! (heart emoji).”

Baka Bet Mo: Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!

Sa kanya namang Instagram account, ibinandera ni Kiray ang litrato nilang mag-ina habang hawak ang regalo niyang P1 million.

Ayon sa komedyana, kakaibang feeling daw talaga kapag natutupad niya ang mga hiling ng kanyang mga magulang. Dagdag pa Kiray, kulang pa nga raw ito  kung susuklian niya ang lahat ng hirap at sakripisyo ng mga magulang para sa kanilang pamilya.

“Isang milyong regalo sa birthday ng aking ina.. kulang pa yan sa pagmamahal, pagaalaga at pagaasikaso mo sakin…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


“Akala ko June ko pa mabibigay sayo. Pero nabuo ko na ng maaga. Worth it lahat ng pagod at paos ko sa lahat ng trabaho ko,” aniya.

Dugtong pang mensahe ni Kiray, “Sana maging inspirasyon ako sa mga kagaya kong anak na kapag napagod.. magpahinga lang tapos tuloy ulit! Para maibigay lahat at makatulong sa pamilya natin.

“Maliit man o malaki, basta galing sa puso ang tulong mo.. naappreciate yan ng mga magulang niyo. Mabuhay lahat ng bread winner na anak sa mundo!” sey pa ng komedyana.

Magkakaiba naman ang naging reaksiyon ng mga socmed followers ni Kiray. Maraming pumuri sa kabaitan niya sa kanyang pamilya lalo na sa mga magulang niya pero may mga nag-warning at nagpaalala rin sa kanya.

Sabi ng ilang netizens, iwasan na raw sana ni Kiray ang pagpi-flex ng malaking halaga sa social media at baka mapahamak pa raw siya at ang kanyang pamilya dahil sa dami ng sindikato ngayon sa internet.

Wala pang reaksyon si Kiray sa babalang ito ng mga netizens.

Kiray: ‘Hindi ko naman talaga pangarap sumikat, gusto ko lang magkaroon ng pera para sa pamilya ko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending