Kiray Celis ibinibigay sa mga magulang ang lahat ng kinikita sa showbiz: 'Kung may raket-raket, 'yun lang ang sine-save ko sa sarili ko' | Bandera

Kiray Celis ibinibigay sa mga magulang ang lahat ng kinikita sa showbiz: ‘Kung may raket-raket, ‘yun lang ang sine-save ko sa sarili ko’

Ervin Santiago |March 19,2023
facebook
share this

Kiray Celis ibinibigay sa mga magulang ang lahat ng kinikita sa showbiz: ‘Kung may raket-raket, ‘yun lang ang sine-save ko sa sarili ko’

Ervin Santiago - March 19, 2023 - 08:21 AM

Kiray Celis ibinibigay sa mga magulang ang lahat ng kinikita sa showbiz: 'Kung may raket-raket, 'yun lang ang sine-save ko sa sarili ko'

Kiray Celis kasama ang kanyang mga magulang at iba pang Kapamilya

TALAGANG mapapa-sana all na lang ang mga magulang all over the universe dahil sa sobrang kabaitan bilang anak ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis.

Knows n’yo ba na ang lahat pala ng kinikita ng komedyana sa kanyang pag-aartista at iba pang karaketan sa showbiz ay ibinibigay niya sa kanyang parents.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Ganyan ka-generous si Kiray sa pamilya niya kaya naman super blessed ang dalaga hindi lang sa kanyang showbiz career kundi maging sa personal life, lalo na sa lovelife.

Sa interview ni Paolo Contis kay Kiray para sa digital show niyang “Just In”, ibinahagi nga ng dalaga na top priority pa rin niya ngayon ang pamilya more than anything else.

Ayon pa kay Kiray, naibili na rin niya ng bahay ang mga magulang at nakapagpundar na rin siya ng ilang properties para sa kanyang kinabukasan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Kapag kumikita naman daw siya sa iba pa niyang mga raket, tulad ng pagiging content creator at endorser ng iba’t ibang produkto, yun daw ang sine-save niya para sa sarili.

“Kung mayroon lang akong raket-raket, kunwari, pa-post ganyan sa Facebook, ‘yun na lang ‘yung sine-save ko sa sarili ko,” pahayag ni Kiray.

Ang talagang pangarap daw ng dalaga ang mailagay na sa maayos na estado ng buhay ang kanyang family bago siya lumagay sa tahimik.

Nabanggit din ng komedyana na marami pa siyang gustong gawin para sa parents niya at iba pang kapamilya lalo pa ngayong tumatanda na rin ang mga ito.

“Kasi noong nabilhan ko ng bahay ‘yung parents ko, akala ko doon matatapos ‘yung pangarap ko kasi noong bata pa ako, ang pangarap ko sa kanila ay bahay. Noong natupad ko ‘yun, kaya ko pa pala mangarap ng marami,” sey pa ni Kiray.

Nauna rito, sinabi rin ng komedyana na mas gusto pa rin niya ang kasal kesa makipag-live in, “Kailangan kasal muna bago ang lahat.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Marami raw kasi ang nag-a-assume na nagsasama na sila ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia sa iisang bahay.

Baka Bet Mo: Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body

“Ang daming nagsasabi na akala live-in kami ng jowa ko, kasi noong pandemic every day siya nasa bahay namin. So paano nangyari e lockdown nga.

“Kabilang kanto lang siya ng bahay namin. Same barangay kami, kaya noong close yung barangay namin, magkabarangay kami, so nakakapunta siya sa bahay namin,” aniya pa.

“Kasi best friend nga siya ng kapatid ko, kapitbahay lang talaga namin siya,” aniya pa.

Sa edad na 28, hindi pa raw handa si Kiray na bumuo ng sariling pamilya, “Hindi pa yan yung priority ko at saka may takot kasi ako. Ayoko na hindi ako ready ‘pag nangyari ‘yun.”

“Alam kong blessing ang mga bata, ang mga babies, sa ngayon, ngayon pa lang siguro ako nag-e-enjoy ng pera ko, gusto ko pa tumulong sa parents ko kaya hindi pa ako ready sa baby.

“Maintindihin naman ‘yung boyfriend ko. Hindi naman niya ako kinukulit sa mga ganoong pagkakataon. Siguro, naka-quota na siya sa mga dating pinagdaanan niya sa buhay,” pahayag pa niya.

Last January, 2023 nag-celebrate sina  Kiray at Stephan ng kanilang 3rd anniversary sa Thailand.

‘Nakakaloka ang pa-house tour ni Kiray sa Tagaytay!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending