Nora Aunor pumanaw matapos sumailalim sa medical procedure
NILINAW ng pamilya ng Superstar na si Nora Aunor ang mga naglabasang report tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Ngayong Huwebes, April 17, humarap sa media ang magkakapatid na Ian, Lotlot, Matet, at Kenneth de Leon, para magbigay ng pahayag hinggil sa pamamaalam ng kanilang ina.
Sa Ian ang nagsilbing spokesperson ng kanilang pamilya na siyang tanging biological child ni Ate Guy sa dati niyang asawang si Christopher de Leon. Ang mga kapatid niyang sina Lotlot, Matet, Kenneth at Kiko ay adopted lahat ng Superstar.
Sa isang bahagi ng presscon na ginanap sa Heritage Park sa Taguig kung saan nakaburol si Ate Guy, ay natanong si Ian kung ano talaga ang cause of death ng kanyang nanay na balitang na-confine sa ospital noong April 10.
Pagsapit daw ng April 16, sumailalim si Nora sa angioplasty, na ayon sa isang medical website ay isang procedure kung saan binubuksaan ang nagbarang coronary arteries o main blood vessels na nagsu-supply ng dugo sa puso.
May ulat ding nagkaroon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) si Ate Guy na siya ring naging sakit noon ng namayapang King of Comedy na si Dolphy.
View this post on Instagram
Ayon sa World Health Organization (WHO) ang COPD ay isang “common lung disease” na nagreresulta sa hirap sa paghinga.
Pahayag ni Ian, hindi totoong namatay si Ate Guy habang inooperahan sa ospital, “She did not. She was being operated on, and after that, she had a hard time breathing, and eventually all things went downhill from there, and that’s why they had to do another procedure after that.”
Nauna rito, nagpasalamat si Ian sa lahat ng mga nagmamahal kay Ate Guy, “Unang-una po sa lahat, maraming-maraming salamat po sa mga nagmahal, naniwala, at sumuporta sa aming nag-iisang ina.
“Marami siyang natulungan. Marami siyang minahal. Maraming humanga sa kanya dahil sa kakaiba niyang talento.
“Marami siyang nabago ang buhay dahil sa kanyang kabaitan at pagiging totoo, walang kaplastikan, walang kahit anong negative na ipinakita.
“Basta nagmahal siya nang totoo at ayun ang malakas makahawa kaya marami ring nagmamahal sa kanya.
“Hindi po natin maiiwasan ang mga pangyayari sa buhay. May mga plano ang Diyos, may magaganda pa siyang plano na kailangan nating maniwala at manampalataya sa Kanya.
View this post on Instagram
“Sa aming pamilya, in behalf of my siblings, my family, my children, and my wife, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.
“Sa mga nandito na at may mga planong pumunta dito at hindi makapunta, basta alam po namin na nandiyan kayo na sumusuporta at nagmamahal sa aming ina,” pahayag ng aktor
Kasunod nito, binasa ni Ian ang official statement ng kanilang pamilya hinggil sa pagpanaw ng National Artist, “May gusto lang po akong basahin sa inyo…Ito po ay galing sa aming puso.
“It is with deepest sorrow that we confirmed the passing of our beloved mother, Nora Aunor, national artist, and the greatest actress in the history of Philippine cinema.
“She passed away peacefully last night, April 16, and sorrounded by those who love her the most.
“From the very young age, our mom captivated hearts with her talent, grace, and unmatched voice.
“Over the decades, she built a career that shaped the very soul of our culture. Through songs, through screen, and through every role she brought life with brilliance.
“Her contribution to the arts are immeasurable. Her legacy will live on in every performances, every melody, and every persons she inspire.
“We are profoundly grateful to everyone who reached out with love, prayers, and condolences.
“Your messages are powerful testament to how deeply she was cherished not just by us, but an entire nation.
“Thank you for honoring her life, her work, and the last thing, mark, she leaves behind. With love and heartfelt thanks, for us her children, her family, and her friends,” ang mensahe ng pamilya ni Ate Guy.
Emosyonal pang pahayag ni Ian, “Yung mga naiwan niya sa aming alaala, aral ay hindi mamamatay iyon. Habambuhay naming dadalhin iyon.
“Yung mga aral na ibinigay niya sa amin ay makakarating sa mga anak namin, mga apo namin.
“Yung mga aral na iyon ay walang iba kundi ang maniwala sa Panginoon. Lumapit lang sa Kanya kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay. Kailangan lang nating maging matatag para sa mga mahal natin sa buhay.
“Marami kaming pinagdaanan ngunit naging matatag kami dahil nakita naming naging matatag siya hindi lang sa sarili niya, kundi para sa amin.
“Kaya naman sa mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya, nagmamalasakit at nakakaintindi sa amin, maraming-maraming salamat po mula sa puso ko at sa mga kapatid ko.
“Nakita namin yung buhay niya, nakita nating lahat kung paano siya namuhay sa harapan ng masa, ng media, ng entertainment industry.
“Nakita rin namin kung paano siya namuhay sa amin, sa pamilya niya, sa personal. Marami kaming natutunan, kaya kami napakasuwerte, napaka-blessed namin kasi nagkaroon kami ng Nora Aunor, Nora Cabaltera Villamayor, bilang isang ina,” ang buong pahayag ng pamilya ni Nora Aunor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.