Janine Gutierrez wasak ang puso sa pagpanaw ng dalawang lola
LABIS ang pagdadalamhati ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez sa pagpanaw ng kanyang lola na si Nora Aunor.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi nito ang malungkot na balita patungkol sa pagpanaw ng nag-iisang Superstar.
“With sorrowful hearts, we share the passing of our grandmother, Mama Guy. A treasure to our family but truly always more the people’s than ours,” saad ni Janine.
Pagpapatuloy niya, “She had a life of giving her immeasurable love to everyone she touched whether on screen, through music, or in person.”
Paniguradong doble doble ang sakit na nararamdaman ni Janine dahil magkasunod na pumanaw ang kanyang lola lalo na’t hindi pa man naililibing ang kanyang Mamita na si Pilita Corrales ay panibagong dagok na naman sa kanilang pamilya ang pagpanaw ng kanyang Lola Guy.
Baka Bet Mo: ‘Pilita’ docu film na ipo-produce ni Janine Gutierrez siguradong aabangan ng fans
View this post on Instagram
Hiling rin ni Janine ang patuloy na pagbibigay dasal para sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang pinagdaraanan ngayon.
“We are deeply grateful for the outpouring of love and support. Please keep our family in your prayers, especially Mama, Uncle Ian, Ate Matet, Kuya Kiko, and Ken, as we say goodbye.
“We find comfort in knowing she, the one and only Superstar, will be forever loved,” sabi pa ni Janine.
Umani naman ng mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga kaibigan at tagasuporta ang post ng aktres.
“Mahigpit na yakap to you and your family. Be strong and know that she and your mamita are so treasured and loved,” saad ni Pinky Amador.
Sey naman ni Ana Feleo, “My deepest sympathies, Nins. Losing two grandmas.. offering prayers for them and your whole family.”
“SENDING YOU ALL MY LOVE JANINI,” pag-comfort naman ni BJ Pascual.
Mahigpit na yakap, Janine!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.