Kiray Celis sa reyalidad ng buhay artista: Mahirap po talaga, kaya intindihin niyo rin po… | Bandera

Kiray Celis sa reyalidad ng buhay artista: Mahirap po talaga, kaya intindihin niyo rin po…

Pauline del Rosario - December 10, 2022 - 01:41 PM

Kiray Celis sa reyalidad ng buhay artista: Mahirap po talaga, kaya intindihin niyo rin po…

PHOTO: Facebook/Kiray Celis

ISA ang aktres at komedyante na si Kiray Celis sa mga nakiramay sa pagpanaw ng OPM icon na si Jovit Baldivino.

Sa isang social media post ay inihayag ng komedyante ang kanyang sentimyento tungkol sa reyalidad ng pagiging artista.

Nabalitaan kasi ni Kiray ang nangyari kay Jovit bago isugod sa ospital.

Kung maaalala ay ikinuwento ng pamilya ng singer sa isang official statement na nagpapagaling mula sa hypertension si Jovit at pinayuhan pa nga siya ng doktor na huwag na munang kumanta.

Pero nag-perform pa rin si Jovit habang nagpapagaling matapos maimbitahan ng isang family friend sa Batangas City.

Tatlong kanta ang inawit ng singer at sa huling awitin daw ay nahirapan na ito huminga kaya isinugod na siya sa ospital.

Natuklasan na may aneurysm si Jovit at dahil daw diyan ay inoperhan ang singer noong December 4 upang tanggalin ang mga namumuong dugo sa utak at pagkatapos niyan ay na-comatose na siya ng limang araw bago tuluyang pumanaw.

Ang sey tuloy ni Kiray sa kanyang Facebook, mahirap talagang maging artista dahil kahit ano man ang nararamdaman nila ay kailangang ipakita nila sa publiko na okay na okay sila.

Caption sa post ni Kiray, “Pinagbawalan na pala si jovit kumanta, pero may mga nag request kaya ginawa niya.”

Patuloy pa niya, “HIRAP rin po talagang maging performer o artista… Kapag tumanggi ka sa gusto nila, mayabang o nagbago kana. ‘Yung kahit malungkot ka, dapat masaya ka sa paningin nila. Kahit antok ka dapat hyper ka sa kanila. Kahit gutom ka dapat nakangiti kapa rin (sad face emoji).”

Nanawagan tuloy ang aktres sa madlang pipol na intindihin at unawin rin silang mga artista.

Lahad niya sa FB post, “Kaya sana intindihin niyo rin po na tao lang rin kami. Artista man o hindi, lahat po tayo may problema. 

“Lahat tayo may pinagdadaanan sa araw araw. Kaya piliin natin umunawa. Piliin nating maging mabait.”

Marami netizens naman ang napa-comment sa post ni kiray at sumasang-ayon sa sinabi niya.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“True po yan,,, kaya mapipilitan ka dahil gusto mo lang na maging masaya sila, hindi mo na inisip ang sarili mo, Kaya lesson learned to all, hindi kayang ibalik ang buhay ng isang tao.”

“Hindi naman kailangan sabihin ng artista or performer na may sakit sila o bawal sila kumanta. Kung nagtataka na kayo na isa o dalawang beses lang sila makakakanta intindihin natin ‘yun. Ibig sabihin may reason na sila. Kaya dapat tayo na fans nila intindihin din natin sila kasi hindi talaga natin alam ang pinagdadaanan nila.”

“Totoo, I like what you said in the last ‘piliin nating maging mabait’, tama nga na lagi nating unawain ang isa’t-isa dahil may kanya-kanya tayong hinaharap sa buhay at piliin din natin irespeto ang desisyon ng kapwa natin, minsan ‘yung hinihingi natin sobra na, ipipilit pa rin natin at sasama pa ang loob kung hindi tayo napagbigyan, intindihin din natin na hindi lang satin umiikot ang mundo.”

Related chika:

Kiray Celis ayaw nang mag-post ng sexy dance video sa TikTok: I was so scared kasi…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kiray Celis sa mga laiterang bashers: Hindi naman ako magkakapera sa inyo so, bakit ko kayo papatulan!?

Kiray pinaiyak ang kapatid, sinorpresa ng VIP Blackpink concert ticket

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending