Kiray Celis sa mga laiterang bashers: Hindi naman ako magkakapera sa inyo so, bakit ko kayo papatulan!? | Bandera

Kiray Celis sa mga laiterang bashers: Hindi naman ako magkakapera sa inyo so, bakit ko kayo papatulan!?

Ervin Santiago |November 29,2022
facebook
share this

Kiray Celis sa mga laiterang bashers: Hindi naman ako magkakapera sa inyo so, bakit ko kayo papatulan!?

Ervin Santiago - November 29, 2022 - 07:47 AM

Kiray Celis sa mga laiterang bashers: Hindi naman ako magkakapera sa 'yo so, bakit kita papatulan!?

Kiray Celis

MANHID na manhid na ang Kapuso actress at social media influencer na si Kiray Celis sa mga pang-ookray at panlalait sa kanya ng mga bashers.

Ayon sa dalaga, feeling niya ay naturukan na siya ng “immunity” laban sa mga haters sa socmed dahil halos lahat na yata ng masasakit na salita ay ibinato na sa kanya ng mga taong walang ginawa kundi mangnega ng kapwa.

Ilang taon nang nasa showbiz Kiray kaya sanay na sanay na siya sa mga bashers na mula noon hanggang ngayon ay nilalait at inookray ang kanyang itsura.

“‘Yung mga ‘yan, alam mo, mga secret admirer ang tawag ko sa kanila. Kasi they are updated, the more na pinapansin nila picture ko mas kinikilig po ako,” simulang pahayag ni Kiray sa podcast na “Updated with Nelson Canlas.”

“Wala namang mangyayari kung papatulan kita. Lalo na kapag inisip ko na parang hindi naman ako magkakapera sa ‘yo so bakit kita papatulan?” katwiran pa ng dalaga.

Pagpapatuloy pa ng Kapuso comedienne, “Nakalagay kasi sa Instagram ko maganda, mahiyain, matangkad ‘yon ang mga wala sa akin kaya ‘wag n’yo na hanapin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


“Sa mga matataas ang tingin nila sa sarili nila wala akong ganu’n kasi feeling nila nasa sa kanila ‘yun so bigay na natin ‘yun sa kanila. Hindi naman na ako lalaban e,” chika ni Kiray.

Samantala, naibahagi rin niya ang ilan sa mga dahilan sa likod ng staying power niya sa showbiz, “Stay humble all the time. I think number one talaga aside sa talent, kasi ang daming talented na Pilipino.

“Lahat ng lugar, lahat ‘yon may talent, pero I think ‘yung nagpapa-stay sa akin is ‘yung pagiging humble,” aniya.

Wala pang bagong show ang komedyana sa GMA 7. Huli siyang napanood sa katatapos lang na GMA Afternoon Prime series na “Return To Paradise” na pinagbidahan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Sey ni Kiray, habang wala pa siyang mga bagong projects, ibinubuhos niya ang kanyang panahon at atensyon sa kanyang mga magulang at sa  pag-aasikaso sa kanilang mga business.

At siyempre, makulay pa rin ang lovelife ni Kiray dahil after so many years ay going strong nga ang relasyon nila ni Stephan Estopia.

Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body

Kiray Celis huminto sa pag-aaral, inuna ang pangangailangan ng pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Buboy umaming pwedeng ma-in love kay Kiray; Stephan Estopia super selosong dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending