Kiray Celis huminto sa pag-aaral, inuna ang pangangailangan ng pamilya
AMINADO ang komedyanteng si Kiray Celis na hindi pa siya nakakatuntong ng kolehiyo.
Sa kanyang panayam sa talent manager na si Ogie Diaz ay natanong siya nito kung nakapagtapos ba siya ng pag-aaral.
Diretsahang sagot ni Kiray, tanging high school lamang ang kanyang natapos at hindi na nakapagpatuloy sa college.
“Hindi pa po ko tapos. Hanggang high school lang po kasi gusto ko everyday school talaga eh,” sey ni Kiray.
Pagkukwento niya, noong sinubukan niyang mag-homeschool ay nabagot siya at eventually ay hindi niya rin kinaya kaya inihinto na niya.
Dito ay napagdesisyunan na nga ni Kiray na magtrabaho na lamang at saka na lang papasok sa kolehiyo kapag stable na sila.
“Magka-college na lang ako kapag stable na talaga. Ngayon po kasi parang kailangan pa ako ng family ko,” lahad ng dalaga.
Ani Kiray, kaya naman daw niyang balikan ang pag-aaral kapag okay na ang pamilya at mas pinili na lamang niyang paunahin na pagtapusin ang kanyang mga kapatid.
“Sa isip ko po, ako lang po ‘yung makakapagpaaral sa mga kapatid ko so pinatapos ko muna sila bago ako. Okay lang naman po. Nagwo-work naman po ako. Inuuna ko lang po ‘yung family ko ngayon kasi lalo na ‘yung mama’t papa ko di naman po sila pabata.
“So ang mindset ko ngayon, kung ano po ang kaya kong ibigay sa kanila, ibibigay ko na lahat para maranasan nila kasi parang masyado na rin pong late ‘yung sarap nila sa buhay ngayon kasi parang ngayon ko lang naibigay,” chika pa ni Kiray.
Marami naman sa mga netizens ang talagang humanga sa pagmamahal ng dalaga sa kanyang pamilya.
View this post on Instagram
“May mabuting puso at kababaang loob ka kiray, saludo ako sayo, Patuloy mo lang, God bless you always kiray,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Ok lang kung nakapagtapos ka ng high-school valid naman yun reasons ganyan ang responsableng tao inuuna ang pamilya kaysa sa sariling kapakanan. Paalala lang iha magandang meron ka rin matapos na karera para sa kapakanan mo bilang tagapagtaguyod sa pamilya.”
“Napakabuti mongnkapatid kiray.. mas inuna mo mga kapatid mo at mga magulang.kaya lalo kang ibi bless ng panginoon Diyos,” sey naman ng isa:
Sa kabila ng kanyang pagpili na magtrabaho at itigil muna pansamantala ang pag-aaral, hindi naman nagpabaya ang dalaga at siniguradong may mga mapagkukunan pa rin siya ng pera sakaling tumigil na siya sa pag-aartista.
“Marami na po kaming paupahan nila Mama tapos may sariling bahay, may sariling kotse. So malapit na rin po… sana this year makabili na rin po ako ng sarili kong car,” wish ni Kiray.
Natanong rin ang actress-comedienne kung may plano itong maging independent o manirahang mag-isa pero wala pa raw ito sa kanyang isipin.
“Gusto ko po kasama ‘yung mga magulang ko… maka-nanay at tatay po ako,” sagot naman ni Kiray.
Related Chika:
Kiray: Sa mga girls, hanapin n’yo ‘yung lalaking hindi lang kayo ang mahal kundi pati ang mga taong mahal n’yo!
Related Chika:
Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!
Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body
Buboy umaming pwedeng ma-in love kay Kiray; Stephan Estopia super selosong dyowa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.