Kiray: Sa mga girls, hanapin n'yo 'yung lalaking hindi lang kayo ang mahal kundi pati ang mga taong mahal n'yo! | Bandera

Kiray: Sa mga girls, hanapin n’yo ‘yung lalaking hindi lang kayo ang mahal kundi pati ang mga taong mahal n’yo!

Ervin Santiago |March 24,2022
facebook
share this

Kiray: Sa mga girls, hanapin n’yo ‘yung lalaking hindi lang kayo ang mahal kundi pati ang mga taong mahal n’yo!

Ervin Santiago - March 24, 2022 - 07:34 AM

Kiray Celis at Stephan Estopia

Kiray Celis at Stephan Estopia

NAGBIGAY ng advice ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis sa mga kababaihan tungkol sa pagpili ng lalaking mamahalin.

Isang appreciation post ang ibinahagi ng dalaga sa kanyang social media account para sa kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Abot-langit ang pasasalamat ni Kiray sa kanyang dyowa dahil sa ipinakikita at ipinararamdam nitong pagmamahal hindi lang sa kanya kundi maging sa mga mahal niya sa buhay, lalo na sa mga magulang niya.

Nag-share sa Instagram si Kiray ng sweet photo nila ni Stephan na may mensaheng, “Appreciation post para sa jowa ko na grabe magmahal sa akin at sa pamilya ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Kasunod nito, ikinuwento na niya ang ginawang pagtulong ng binata sa kanyang parents. Ito raw yung araw nang dalhin sa ospital ang nanay niya.

“Last week, sinamahan mo ako na-ipacheck up si mama sa hospital tapos kahapon since asa taping ako, sinamahan mo naman si papa para dalin ulit si mama para mai-confine na siya sa hospital,” pahayag ng komedyana.

Patuloy pa niya, “Tapos today since asa work pa rin ako, lahat ng need at kailangan ni mama dinala mo na naman sa kanya. THANK YOU FOR LOVING ME AND MY FAMILY, @stephan.estopia.”

At dito na nga nagbigay ng paalala at payo ang dalaga sa lahat ng  kababaihan sa pakikipagrelasyon.

“Kaya sa lahat ng girl diyan, hanapin niyo ‘yung hindi lang basta kayo ang mahal. Pero mahal na mahal rin ‘yung taong mga mahal niyo,” pahayag ng Kapuso actress.

In fairness, talagang #relationshipgoals ang peg nina Kiray at Stephan at mukhang sablay nga ang mga nagsabi noon na hindi raw magtatagal ang dalawa dahil mahigit two years na rin silang magdyowa.

Unang pinatunayan ni Stephan sa publiko ang pagmamahal kay Kiray nang ipa-tattoo nito ang buong pangalan ng dalaga sa kanyang braso bilang Valentine’s Day gift na rin sa girlfriend.

Bukod dito, ipina-tattoo rin ni Stephan last September, 2021 ang mga mata ni Kiray sa kanyang dibdib.

Sa isa pang IG post ni Kiray, ibinahagi rin niya ang litrato ni Stephan kung saan ipinakikita nito ang ipina-tattoo na pangalan niya sa braso. Aniya sa caption, “Hiniling ko lang naman na bigyan ako ng lalaking mahal na mahal ako.

“Pero ang dumating, mahal na mahal na, patay na patay pa. HAHAHAHAHA! Since hindi daw ako mahilig sa bulaklak, eto daw regalo niya sakin nung valentine’s day. GRABE KA TALAGA @stephan.estopia! Inggit na inggit nanaman yung isa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong December, 2021 naman ay nag-celebrate ang magdyowa ng kanilang second anniversary as a couple.

Kiray tinawag na ‘best mommy’ ng dyowa: Habangbuhay kitang mamahalin asawa ko, mahal na mahal kita

Kiray kay Stephan: Magmahal tayo, sumugal tayo, bumangon tayo, magpatawad tayo…

Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending