Arra todo tanggi na may ‘something’ kay Paolo: Wala silang makikita!
“NO! Hard no!” ‘yan ang mabilis na sagot ng aktres na si Arra San Agustin kung may “something” nga ba sila ng co-actor na si Paolo Contis.
Diretsahan siyang tinanong about diyan ng King of Talk na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk” dahil na rin hindi siya tinantanan ng Marites nitong taon patungkol sa nasabing kontrobersiya.
Kwento ni Arra, nag-umpisa ang isyu sa “Tippy Happy,” ang isa sa mga segment ng “Tahanang Pinakamasaya” kung saan love triangle ang aktres, Paolo at si Betong Sumaya.
“‘Yung mga tao, they caught out pictures of me and Kuya Paolo tapos gumagawa sila ng mga articles and headlines na ako raw ‘yung third party. So nag-start po ‘yun last year. I think it was also this time last year,” chika ni Arra.
View this post on Instagram
Patuloy niya, “For some reasons, nag-resurface po siya. Itong news na ‘to and fake news, fake ‘yung source, doon po siya galing. And I don’t why karamihan sa mga tao naniniwala and which is also dangerous with social media because ang daming fake news, ang daming disinformation. Parang we can be easily manipulated or gaslighted with a single headline lang na hindi naman pala totoo.”
Sabi pa ng aktres, kahit halungkatin pa raw ang social media o internet, walang makikitang bakas ang mga Marites kung may namamagitan nga sa kanila ng co-actor.
“Wala silang makikitang pictures, videos, footage naming dalawa ni Kuya Paolo casually hanging out together without the Tippy fam…Wala, wala silang makikita,” giit ni Arra.
Nang tanungin siya ni Tito Boy kung magkaibigan sila ni Paolo.
Ang sagot niya ay “yes.”
Saad niya pa, “Ang tagal na naming magka-work since ‘Bubble Gang.’ First show ko po ‘yun.”
Kung matatandaan, ilang beses naging usap-usapan si Paolo matapos mag-trending ang isang TikTok video kung saan makikita silang sweet ni Arra.
Bukod sa mga pambabatikos sa aktor ay nadamay rin pati ang aktres na karamihan ay pinagbibintangan siyang third party.
That time kasi ay magdyowa pa sila Paolo at Yen Santos.
Magugunita nitong Nobyembre nang kumpirmahin ng aktor na siya ay single na ulit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.