Arra San Agustin ayaw nang may kahati: Alam ko 'yung worth ko

Arra San Agustin ayaw nang may kahati: Alam ko ‘yung worth ko

Therese Arceo - November 23, 2024 - 12:39 PM

Arra San Agustin ayaw nang may kahati: Alam ko 'yung worth ko

NAGING bukas ang Kapuso actress na si Arra San Agustin sa kanyang pananaw tungkol sa mga taong nagloloko o pinipiling mag-cheat sa kanilang mga karelasyon.

Sa kanyang panayam na lumabas sa “Balitambayan”, sinabi ng aktres na insecure ang mga taong nagloloko sa relasyon.

“Feeling ko insecure sila sa sarili nila. Kasi parang hindi sila kontento so hanap sila nang hanap ng iba,” saad ni Arra.

Payo pa niya, kung hindi raw kaya na magkaroon ng iisang karelasyon ay mas mabuti pant huwag na lang magdyowa para hindi makasakit ng damdamin ng iba.

Baka Bet Mo: Paolo Contis dyowa pa rin si Yen Santos, walang something kay Arra San Agustin

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Dapat ilalagay mo lagi sa isip mo na ‘wag kang tatapak ng ibang tao, ‘wag mo silang sasaktan intentionally,” sey pa ni Arra.

Aniya, nakaranas na rin daw kasi niyang pinagsabay siya ng karelasyon sa isa pang babae.

“Parang no’ng nagsisimula pa lang kami parang mayroon siyang pinagpipilian, dalawa kami. E medyo late ko na nalaman ito,” chika pa ni Arra.

Kaya naman nang nalaman niya ito ay umalis siya dahil alam niya kung ano ang kanyang halaga.

“Alam ko ‘yong worth ko na hindi ako option… I’m number 1. Hindi ako option,” sabi pa ni Arra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang noong November 2023 nang kumalat ang mga video clips kung saan sweet silang dalawa ng kanyang co-host na si Paolo Contis sa “Eat Bulaga”.

May mga netizens pa ngaa na nag-akalang may something sa dalawa kahit na in a relationship noon si Paolo kay Yen Santos.

Pinabulaanan naman ito ni Arra at sinabing “maliciously edited” ang mga naturang video.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending