Ruffa Gutierrez tinawag na 'elegant', 'boss' ni Yilmaz Bektas

Ruffa Gutierrez tinawag na ‘elegant’, ‘boss’ ni Yilmaz Bektas

Therese Arceo - January 28, 2025 - 09:50 PM

Ruffa Gutierrez tinawag na 'elegant', 'boss' ni Yilmaz Bektas

KINILIG ang madlang netizens matapos makita ang palitan ng mensahe ng aktres na si Ruffa Gutierrez at kanyang ex-hubby na si Yilmaz Bektas.

Ito ay mula sa Instagram post kamakailan ng aktres at dating beauty queen ng kanyang larawan.

“Soulful Sunday. Let’s cherish genuine relationships because REAL is RARE, fake is everywhere,” saad ni Ruffa sa caption ng kanyang post.

Sa comment section naman ay makikita ang komento ni Yilmaz.

Baka Bet Mo: Ruffa sa kumakalat na ‘fake news’ tungkol kay Annabelle: ‘Block & report!!!’

Ruffa Gutierrez tinawag na 'elegant', 'boss' ni Yilmaz Bektas

“Elegant,” papuri ni Yilmaz.

Nag-reply naman si Ruffa at sinabing, “@yilmazbktas çok merci! Btw pls call Venice.”

Para sa mga hindi aware, si Venice ay ang kanilang bunsong anak.

Muli namang sinagot ni Yilmaz so Ruffa at sinabing “@iloveruffag okay boss I will [laughing emoji].”

Marami naman ang natuwa at kinilig sa kulitan ng dating mag-asawa. May ilan pa nga na nagre-request ng “comeback”.

Biro ng netizen kay Ruffa, “Muling ibalik. Yie.”

“Can’t get over these two…I wish to see them together again,” saad ng isang netizen.

Hirit naman ng isa kay Ruffa, “Ako lang ba ‘yung kinikilig?”

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na kinagiliwan ng netizens ang kanilang interaction sa social media.

Noong August 2024 ay pinuri rin ni Yilmaz si Ruffa sa kanyang Instagram post kung saan may hawak siya ng bouquet ng bulaklak habang nasa Toronto Pearson International Airport.

“You look good,” sey ni Yilmaz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

March 2003 nang magpakasal sina Yilmaz at Ruffa ngunit naghiwalay rin matapos ang apat na taon.

2012 nang tuluyang ma-annul ang kanilang kasal.

February 2021 nang muling magdesisyon sina Ruffa st Yilmaz na mag-reconnet para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak na sina Venice at Lorin Bektas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending