Zsa Zsa Padilla inisnab nga ba si Miguel Tanfelix?

Zsa Zsa Padilla inisnab nga ba si Miguel Tanfelix?

Therese Arceo - January 29, 2025 - 08:52 PM

Zsa Zsa Padilla inisnab nga ba si Miguel Tanfelix?

TRENDING ngayon sa social media ang umano’y pangdededma ng Kapamilya singer-actress na si Zsa Zsa Padilla at Kapuso actor na si Miguel Tanfelix.

Ito ay may kaugnayan sa umano’y hindi pagpansin ng singer sa mensahe sa kanya ng Kapuso star.

Nitong January 16, nag-tweet si Zsa Zsa asking the netizens kung ano ang magandang teleseryeng panoorin dahil tapos na niya ang Kapamilya series na “Lavander Fields”.

“Natapos ko na din ang teleseryeng Lavander Fields. Ano kaya next na kakahumalingan?” tanong ng singer.

Baka Bet Mo: Zsa Zsa nakalabas na ng ospital, walang ‘rare kidney disease’

“Hello Ms. Zsa Zsa! Try nyo po silipin yung Mga Batang Riles [emoji] hehe salamat po,” reply ni Miguel habang pino-promote ang kanyang bagong teleseryeng pinagbibidahan.

Ngunit marami sa mga netizens ang inintriga ang dalawa at tila pinag-aaway ang artista sa magkabilang network.

Ilang araw kasi matapos ang tweet ni Zsa Zsa ay muli itong nag-tweet patungkol sa kasabayang teleserye ng “Mga Batang Riles” na “Incognito”.

“Started INCOGNITO. Ang ganda!!! Galing ng action scenes. Congrats. Direk @LesterPimentel at sa fight team mo!

“Sa mga hindi nakakaalam, si Direk lester ang fight director ko sa ZZ Zaturnah,” sey ni Zsa Zsa.

Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens lalo na ng mga fans ni Miguel ang mag-isip kung sinadya ba ng Kapamilya singer ang hindi pagre-reply sa binata.

May ilan naman na bina-bash ang binata dahil sa pagre-recommend ng sariling teleserye na para bagang humihingi ng views kay Zsa Zsa.

madam @zsazsapadilla hope ma notice nyo po si @MiguelTanfelix_ gagawing issue nanaman ng mga followers nila na di nyo po sya pinansin. Alam nyo naman po ang mga fans nowadays,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Grabe naman kayo makasalita kay Miguel, buti nga sinabi niya yan politely eh, hindi naman nangaano yan si Miguel sa inyo pero binabash ninyo. Wala talaga kayong moral.”

Samantala, ngayong araw ay nag-reply na si Zsa Zsa sa tweet sa kanya ni Miguel.

Humingi ito ng tawad sapagkat hindi agad niya napansin ang reply nito sa kanya.

“Thanks for the reco! Will watch it next! My apologies, did not see your message earlier,” paliwanag ni Zsa Zsa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natuwa naman ang mga fans dahil nabigyang linaw na hindi naman sinasadya ng singer na hindi replyan si Miguel.

Marahil ay natabunan na ito sa notifications kaya hindi agad ito napansin ni Zsa Zsa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending