Zsa Zsa nakalabas na ng ospital, walang ‘rare kidney disease’
MUKHANG naka-recover na agad ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla matapos sumailalim sa kidney operation kamakailan lang.
Sa latest Instagram post, makikita ang isang picture na ngiting-ngiti ang veteran singer at lubos na pinasalamatan ang lahat ng nag-message at nagdasal para sa kanyang quick recovery.
Grabe, parang hindi sumailalim sa surgery si Zsa Zsa dahil tila malakas na malakas siya sa ibinanderang litrato.
Pero ayon sa kanya, ang photo ay kinunan ilang minuto matapos tanggalin ang kanyang “urinary catheter.”
Kahit nga raw ang kanyang doktor sa Singapore ay bumilib dahil tila ang bilis daw niyang maka-recover.
“Everyone seems amazed how I was walking day after the surgery. My stomach is filled with battle scars (so is my back), but hey, happy to be around and wish to be around for many more years,” caption niya sa IG.
Paglilinaw pa niya, “Btw, my Dr told me the procedure done was ROBOTIC LEFT URETERIC REIMPLANTATION & INSERTION OF LEFT DJ STENT. I don’t have a rare kidney disease- read it somewhere- so it’s not true. I was just born structurally different [happy face emoji].”
Nabanggit din ng singer na babalik siya sa Singapore sa katapusan ng Setyembre upang tanggalin naman daw ang kanyang DJ Stent na ayon sa aming na-search ay isang plastic tube na pansamantalang inilagay sa ureter.
Chika ni Zsa Zsa, kapag natanggal na ito, pwede na raw siyang bumalik sa normal, “Playing badminton and performing on stage.”
View this post on Instagram
Magugunita noong Sabado, August 17, nang ibinandera ng batikang mang-aawit na inoperahan siya sa Singapore dahil sa inborn niyang “mega ureter.”
“My left ureter was the size of a sausage when it should be a thin tubular structure with a 3 to 4 mm diameter. My right one is normal,” paliwanag niya.
Para sa kaalaman ng marami, ang ureter ay tila mga tube sa ating katawan kung saan dumadaan ang ating ihi mula sa kidney papunta sa urinary bladder o pantog ng ihi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.