Erik Santos maluha-luhang nagpasalamat kina Zsa Zsa, Regine at Ogie: ‘Napakalaking bahagi po nila sa aking buhay at career’
HINDING-HINDI makakalimutan ng Kapamilya singer na si Erik Santos ang limang music icon sa bansa na itinuturing niyang mga ultimate idol.
Mangiyak-ngiyak si Erik sa naganap ba selebrasyon ng kanyang 20th anniversary sa showbiz industry sa “ASAP Natin ‘To” nitong nagdaang Linggo, September 10.
Pagkatapos ng kanyang performance sa nasabing weekly musical programa ng ABS-CBN, emosyonal niyang pinasalamatan ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang career na tumatagal na ng dalawang dekada.
View this post on Instagram
Aniya, naging pangalawang pamilya na niya ang “ASAP” sa loob ng mahabang panahon, “I just want to say na my singing career was born on this very exact stage dito po sa ASAP.
“Paulit-ulit ko pong sasabihin na ang ‘ASAP’ po ang nagluwal sa aking singing career. Up until now, after 20 years, naririto pa rin po ako. Magkakasama pa rin po tayo,” ang lumuluhang mensahe ni Erik.
Aniya, napakaswerte niya na makapag-celebrate ng 20th anniversary sa “ASAP” dahil hindi naman daw lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.
“I’m just so grateful that I am able to celebrate my 20th year in the industry because not everyone is given the chance, the opportunity to celebrate such a milestone in their career,” aniya pa.
Special mention ni Erik sa kanyang speech ang mga OPM legends na sina Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano at Martin Nievera.
“Napakalaking bahagi po ni Nanay Zsa Zsa sa aking career. Sobra niya akong ini-inspire at tinulungan. Sa mga masasayang araw ko at kahit sa matitinding pagsubok nandiyan ka for me,” ayon kay Erik.
Patuloy pa niya, “Si Ate Regs po at si Kuya Ogie, sila po yung dalawang artist na nu’ng nagsisimula po ako, nag-guest po sa akin sa isang major concert.
View this post on Instagram
“May mga artist po na humindi po sa akin pero sila pong dalawa yung nagpatikim po sa akin kung ano yung pakiramdam na mag-perform sa Araneta Coliseum,” sey pa ng binata na ulilang lubos na ngayon matapos magkasunod na pumanaw ang mga magulang.
Inamin ni Erik na talagang kinuwestiyon niya ang Panginoong Diyos kung bakit kinuha agad sa kanila ang mga magulang pero sa kabilang banda ay alam niyang may dahilan ang lahat.
“May mga pagkakataong hindi kami makapaniwala pa rin na ganu’n ang nangyari sa aming magkakapatid, na nangyari ‘yun sa magulang namin.
“Pero sinasabi ko po sa mga kapatid ko na kapag nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap-usap na let’s take it one day at a time.
“Kasi po ‘yung kay nanay palang pilit kong hinahanap ‘yung kasagutan sa lahat ng nangyayari pero sabi ko ‘wag na nating pilitin alamin kung ano ‘yung mga sagot basta higpitan pa natin ‘yung kapit sa Panginoon, ‘yan po lagi ang sinasabi ko sa mga kapatid ko,” pahayag ni Erik.
#Anyare: Zsa Zsa biglang napaiyak pagkatapos kumanta kasama sina Regine at Angeline
Hugot ni Erik Santos: Kung sino pa ang mga icon, sila pa ‘yung sobrang bubuti ng kalooban
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.