Kiray Celis puring-puri ng ina: Noong nagpasabog ang Panginoon ng kabaitan nasalo niya po
MANGIYAK-NGIYAK ang ina ng komedyana at aktres na si Kiray Celis habang ikinukuwento kung gaano kabuti ang anak.
Sa naging panayam kasi ng dalaga sa ABS-CBN anchor na si Karen Davila ay naikuwento nito ang mga bagay na kanyang naipundar para sa kaniyang mga magulang pati na rin sa kanyang mga kapatid.
Una na ngang ipinasilip ni Kiray ang kanilang bahay na ipinatayo niya raw bago pa siya tumuntong ng edad na 18.
Bukod rito, ikinuwento rin ng ina ng dalaga ang istorya sa likod ng regalong P1 million cash sa kanya ng aktres.
Chika ni Kiray, noong pandemic kasi ay mas na-realize niya na dapat mas i-cherish at pahalagahan pa niya ang mga magulang.
Ang pera daw ay nagmula sa kanyang pagkayod mula sa pagtitinda niya online.
Sobrang grateful nga raw ng ina ni Kiray sa anak dahil napakabuti raw nito.
“Masaya na nagkaroon ka ng anak na ganyan [kabait]. Kinaiinggitan nga po ako ng lahat kasi ang pangit ko raw tapos ang bait ng asawa ko, mabait siya. Sobrang thank you po kay Lord na biniyayaan ako ng asawa na mabait tsaka anak,” lahad nito.
Baka Bet Mo: Kiray Celis niregaluhan ng P1-M ang ina bago pa mag-celebrate ng 58th birthday, pero binigyan ng warning ng netizens
Bandera IG
Ang dahilan raw ni Kiray kung bakit talaga ito nagsusumikap dahil ayaw na niyang balikan ang buhay nila noon kung saan sobrang hirap ng kanilang pinagdaanan.
Kuwento pa nga ng kanyang ina, talagang bata pa lang ay masipag na ang anak at hindi raw ito nagrereklamo kahit na sunud-sunod ang kanyang taping.
Naikuwento rin nito na may isa pa silang bahay na naipundar ni Kiray pati na rin ang mga apartment na kanilang pinauupahan.
Sa ngayon ay may pito nang pinaparentahan ang pamilya ng aktres na siya ring pinagkukunan nila ng panggastos sa bahay.
“Sabi ko nga, noong nagpasabog ang Panginoon ng kabaitan nasalo niya po. Totoo po. Pito ang paupahan nina Kiray, lahat ay naipundar niya sa kanyang pagiging isang child star,” lahad ng kanyang ina.
Nang tanungin naman ang dalaga kung ano ang biggest lesson na natutunan niya sa buhay ay ang patuloy na mangarap.
“Mangarap lang po kayo and ‘yung pangarap na ‘yun, kailangan isama mo ‘yung mga taong mahal mo kasi mahirap kapag nangarap ka lang para sa sarili mo,” pagbabahagi ni Kiray.
Dagdag pa niya, “Mas masarap mangarap pag para sa ‘yo at para sa pamilya mo. Hindi mo alam nakamit mo siya ng hindi mo inaasahan. Iba po talaga nagagawa kapag mahal mo ang mama mo. Iba talaga ang naibabalik sa ‘yo.”
Related Chika:
Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.